Kung saan nagsimula lahat
***
simoy hangin parin ngayon ah? himala!
Late na nga ko nagising, dapat mas maaga pa kaso etong mga hinayupak na 'to di ako ginising.
"Aray!! Para saan yun??" Himas himas ni Joy batok niya. 'Di ko kasalanan napa-lakas batok ko sakanya.
"hindi mo kasi ako ginising! Isa ka pang impakta ka!" Batok ko kay V, paano ba naman kasi pa tingin tingin lang siya samin, umiinom ng kape. Parang walang pake!
"..." ayos. ang haba ng sagot! Nakaka-touch! Sige, I forgive you na!
Umiling nalang ako sakanilang dalawa. Nakaka-stress! Iniwan ko silang dalawa para ipagpatuloy trabaho ko dito sa dessert shop. Madaming gawain! Pero keri naman.
Mahigit 3 taon na rin naman ako nandito kaya sanay na sanay na ako. Malaki din kinikita ko nuh! 'Di lang basta bastang dessert shop to! Napaka espesyal nito sakin. hehe.
Trabaho lang nang trabaho, paulit ulit lang ginawa ko hanggang sa 'di ko namalayan gabi na pala. Sakto, magsasara na ang shop. Closing hours. Tumulong nalang ako sa paglilinis.
Mga ganitong oras masarap maglakad. 'Pag gabi. yun nga lang baka kuhain ako ng puting van, wala pa naman ako kasama ajuju. Sana pala sinama nako ng mga impakta sa pag-uwi. mga pakshet magkakasama lang naman kami sa isang condo, 'di manlang ako sinundo!
"welcome back!!" Bati ni Joy sakin nang makapasok ako sa condo unit namin. 'Di ganon kalaki nirerentahan namin, sapat na para magkabungguan kaming tatlo dito. "Tagal mo naman umuwi hehe."
mga kupal! Sino kaya nang-iwan sakin.
Hinubad ko sapatos ko tsaka nagsuot tsinelas. Kasi syempre paano mo susuotin yung tsinelas, pag may suot ka pang sapatos? wag kang bobo.
Dumiretso nalang ako sa kwarto ko, pero bago ako maka-pasok hinanap ko muna kung asan si V. Siguro nasa CR, nag-iingay nanaman eh. Nag-cconcert siguro.
🎶 cUz babY iM a fAyYyaaR wOrk! Come And gEt whAat yOur wOrth! 🎶
'Mali mali pa lyrics!'
Sinarado ko pintuan ng kwarto ko at nagbihis ng pambahay. yung typical na pajamas lang, orange nga lang hehe. favorite color ko.
nahiga ako at doon ako nagsimulang mahirapan huminga hangga't sa natuluyan ako.
pero syempre charot lang, kinuha ko camera ko at nagsimulang mag-set up. Mag-fifilm nalang ulit ako siguro para sa youtube channel ko.
"Blah blah blah blah blah" andami ko na nasabi, pagod nako hahahaha. Pwede na 'to, tinatamad nako eh bukas nalang ulit. Sakto Sunday bukas, may oras ako para mag-edit ng video.
scroll, scroll, scroll
yan lang naman gawain ko sa fb. paulit ulit na nga lang din memes, nakaka boring na.
"@&#*#^*#&!!" binabawi ko na pala sinabi ko. Sa sobrang lakas ng mura niya, napa talon ako nang wala sa oras. Okay sana kung napa talon lang kaso bumagsak sa sahig!
"Hoy problema mo!" Palakasan tayo ng sigaw! Base sa pag-sigaw niya, sigurado ako si V 'yon.
"May announcent ako guys!!" nagtaka naman ako sa sinasabi niyang announcement. Kahit si Joy na lumalapang ng piattos, nakikinig na samin. "Dadating ang going south sa pinas ng dalawang araw."
"NAAANNIIII???"
"KINGINA TOTOO??"holy sheyt! magandang balita 'tooo!! Nakaka-excite!
"Bakit daw? Ano okasyon?" Umupo ako doon sa tabi niya, sa sofa. Lumapit din si Joy para maki-tsismis.
"Balita ko magcoconcert sila dito. 'Di ko nga lang pa alam kung saan pero sure na sa next 3 days na gaganapin. Tas meron pang isang rumored na issue pero 'di ko alam kung ano 'yon basta may isa pang banda sila kasama di ko nga lang mahanap sino sila" mahabang paliwanag niya habang kinakalikot phone niya ang bagal niya maghanap! Akin na pakitaan kita, pinagbabawal na teknik. Charot. "Hoy gaga akin na yan!"
" sandali! Nahanap ko na!" See? May benefits rin pala ang pagmamaster ko ng pagscroll sa fb.
"uh may kilala ba kayong (un)known na group?" Napa-taas kilay si V, siguro di niya din alam. Tumingin ako sa pwesto ni joy. Tatanungin ko sana siya kaso nawawala na, kumuha siguro ng piattos.
nung bumalik si joy nagkanya kanya kaming research sa magiging concert ng going south. Agad naman kami naghanap ng site kung saan pwede bumili ng tickets.
Oo bibili agad! Matagal na kaming fan nun, halos lahat ng songs nila naka bisado namin at sobrang solid namin! Ilang beses na rin kami naka-attend ng concert nila, at hindi kami magsasawang umattend ulit kahit nakaka ubos pera na. Sulit naman pagiipon hehe.
excited rin ako makilala yung (un)known kuno ba yun. May rumor kasi na aattend rin sila concert ng going south. Pero may rumor din kasi na kasama sila sa concert mismo.
aaaahh!! Di ako makatulog!!
"Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka!"
Ay palaka! Nagulat ako sa response ni V. Narinig niya ko????? may third ear ba siya???
Nagulat nga ko eh ang lakas ng sigaw niya kahit naka earphones ako malakas nga volume eh paano--
'tanga! Di mo nasaksak earphones mo sa cellphone mo!'
kainis! Pati sarili ko, natatangahan na sakin!
Kinapa ko asaan cellphone ko, tsaka sinaksak yung earphones. Hating gabi na pala, tas gising parin ako. Inaantok nako pero ayaw pumikit ng mata ko. Abnormal mana sa may-ari.
Sadyang excited lang talaga ako para sa concert!

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED