Chapter 21

26 2 0
                                    

Tara, date

***

"Anyare sa'yo, Asungot?" Nakakatawa itsura niya ngayon. Ngayon ko lang nakita ang expression na yan sa mukha niya. Tatawa na dapat ako nang bigla niya akong hilain para yakapin. "Hoy! Hoy! Hoy! Hands off, ano sa tingin mo ginagawa mo?"

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. "Hoy tama na, hindi na ako maka-hinga!"

Ilang beses ko siyang tinapik sa braso niya. Mabuti nalang humiwalay na siya, kundi malulugutan ako ng hininga. Papatayin ata ako nito!

"Siraulo.." bulong ko.

"Tsk!"

'Luh! Autistic?'

"Inaano kita?" Naguguluhang tanong ko. Umayos ako sa pagkakahiga ko, at umupo nalang nang pa-indian sit sa kama ko. Ganon din ginawa niya. Huminga muna siya nang malalim.

"Tsk."

'Hala ka pre! Nasira dila mo at hindi ka maka-salita?'

"Tsk ka din. Ano ba nangyayari sa'yo? Nagsusungit ka nanaman, may mens ka ba?"

"What the fuck."

"What the fuck my ass, sagutin mo tanong ko!"

"Alin don? Kung yung pangalawa, wala akong mens."

'Oo, ang ayos kausap. Banas!'

"Bwiset! Kung ayaw mo makipag-usap nang seryoso, umalis ka na dito!" Akma akong tatayo palang, nang bigla niya akong pinigilan. Hinawakan niya ako sa braso at pinaupo ulit dito sa kama ko. "Peste! Ano ba kasi trip mo, kung makaiyak ka naman kanina kala mo mamamatay na ako!"

"Hindi ako umiiyak."

"Ewan ko sa'yo!"

"Teka, bat ka ba nagagalit?"

Saglit ako napahinto. Bakit nga ba? Ah oo, kasi peste siya!

"Kanina pa kasi kita ginigising pero wala ka man lang reaction nung inalog alog kita."

Kumunot noo ko. Kanina pa siya andito ibig sabihin..

"Hoy! Ano ba! Ang ingay mo!" Napatakip siya ng tenga nung sumigaw ako bigla.

"Asungot ka kasi! Ano ba ginagawa mo dito!" Sigaw ko at lumayo sa pwesto niya. Umatras ako hanggat sa napasandal ako sa headboard. Para mas madrama, kinapa kapa ko sarili ko.

"Wala ako ginawa sa'yo. Assuming ka, pota." Sabi niya at napasapo ng noo.

Pinakyuhan ko siya, "Minumura mo ko?"

"Bahala ka nga diyan." Sabi niya at tumayo mula sa kinauupuan niya. "Sumasakit ulo ko sa'yo."

"Wait lang!" Aalis na dapat siya. Humawak ako sa wrist niya para pigilan siya. "Seryosong usapan kasi. Ano ba ginagawa mo dito?"

"Nakalimutan mo na?" Taas kilay niyang tanong.

"Ang alin?" Sinubukan ko alalahanin kung ano meron ngayon. "Hala. Yung event nga pala!"

"Tsk. Nakalimutan nga." Sabi niya at umiling iling pa.

"Ang sarap ng tulog ko eh." Sabi ko. Tumayo na rin ako at nag-stretching pa sa harap niya.  Dumiretso ako sa CR. bahala siya diyan, natatae ako.

Nag-sesepilyo na ako sa kasalukuyan. Iniisip ko parin yung nangyari kanina. Parang ang weird lang para sa'kin. Bat naman kasi siya pa yung gigising sa'kin.

Tsaka ang weird. Kanina pa siya andito, parang gusto ko magpakain sa lupa. Inamoy amoy ko sarili ko kanina, hindi naman pala ako ganon kabaho kaya medyo safe. Eh paano pala kung kinuhanan niya ko ng picture!? Banas! Pamblackmail niya na yon!

Pagtapos ko magsepilyo, lumabas na ako ng CR. At pagka-labas ko, andiyan parin si Asungot. Kung ano ano kinakalikot sa kwarto ko, kala mo sakanya eh!

"Bagal mo." Sabi niya habang nakatingin don sa lockscreen ng phone ko. Hawak hawak niya at mukhang kanina pa niya yon tinitingnan.

Sinubukan kong hablutin yung phone ko sakanya pero bigla siya tumayo kaya hindi ko maabot. Tinaas pa niya kamay niya kaya mas lalo kong di maabot yon.

"Epal! Akin na nga yan!" Tumingkayad ako para abutin yung phone ko. Eh bastos na bata siya, tumingkayad rin.

"Pandak ka pala?"

Hinarap ko sakanya kamao ko, "Sapak?"

"Hehe! Joke lang, pikon." Sabi niya at tinawanan ako bago ibalik sa'kin yung phone ko. Pinunas punasan ko yung screen ng phone ko gamit yung tshirt ko.

"Cute mo." Sabi niya na ikinagulat ko. Biglang ganon?

"Ngayon mo lang narealize? Oo naman, thanks." Sabi ko at nag-smile. Pa-sweet lang, ganon!

"Tanga." Kumulubot pa mukha niya na parang nandidiri sa kakapalan ng mukha ko. "Yung lockscreen.."

"Shhhhh!! Wag mo na banggitin." Bigla ako kinain ng hiya nang maalala ko kung ano lockscreen ko. Natakip ko bigla bibig niya gamit ang dalawa kong kamay. Dahan dahan niya yon tinanggal.

"Baliw. Nalalasahan ko kamay mo." Sabi niya habang naka-hawak parin sa wrist ko. Tsansing!

"Sabon yon, okay!" Sabi ko at pumiglas sa hawak niya. Binulsa ko na phone ko at akmang lalabas ng kwarto. "Ano na? Hindi pa ba tayo aalis?"

"Saan?" Napa sampal ako sa sarili ko. Ang ayos talaga kausap eh.

"Ayos! Ang galing galing mo talaga, Kiko!"

"Kung ang tinutukoy mo yung event, wag ka na tumuloy."

"Bat naman?" Bumitaw ako sa doorknob at humarap sakanya.

"Patapos na eh." Sabi niya. Nagulat ako at hindi makapaniwala. Tumingin ako sa orasan ng phone ko. Ang tagal ko palang naka-tulog!

"Hala! Bakit hindi mo ko ginising kanina!?" Sinigawan ko siya.

"Ginigising nga kita kanina, pero ikaw itong tulog mantika na hindi magising!" Sigaw niya din pabalik. Aba aba aba!! Sinisigawan niya na ako ah! "Lika."

Kumunot noo ko, "Ano nanaman?" Tanong ko sakanya. Nauna pa siyang abutin yung doorknob at lumabas ng kwarto ko.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, napansin naman ni Kiko na hindi pala ako sumunod sakanya kaya binalik niya ako.

"Arte mo ah." Sabi niya at ginrab ako sa wrist. Pinilit niya akong lumabas ng sarili kong kwarto.

"Eh kasi, ano pa bang gagawin ko. Patapos na pala yung event eh!" Pagmamaktol ko. Paano nga pala sina Daniel, Wyeth at yung mga iba pa? Sinabi ko pa naman na sasama ako. Tsaka excited rin ako pumunta eh!

"Wag ka mag-alala. Nasabi ko na sakanila." Sabi niya at medyo na-relieve ako doon.

"Teka! Ano parin gagawin natin?" Huminto ulit ako sa paglalakad. Gabi na din eh, wala na din naman rason para umalis.

Unexpectedly, Kiko showed his sweetest smile. "Tara, date."

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon