PASILIP

62.1K 1K 14
                                    

Ten years after graduation, Kitheia Ignacio received a letter for an alumni gathering.

During the program, unknown personnels broke in the party bringing chosen women along with them.

Unfortunately, Kitheia was one of them. And she was sold to an alpha.

               *             *              *

I was busy enjoying myself when everything went pitch black.

Narinig ko ang tili ng ibang mga babae at mura ng ilang mga lalaki. Nanatili naman ako sa puwesto ko at hinihintay lang na bumukas muli ang ilaw habang walang imik.

Ilang segundo lang ang lumipas at muli na ngang nagbukas ang ilaw, pero kasabay non ay ang pagsalubong saamin ng mga lalaking naka-itim.

Nakapalibot sila sa buong sulok ng hall. Napatayo na ako sa pagtatakha.

"Anong meron?"
"Anong nangyayari?"
"Sino ang mga yan?"

Bulungan ng iba.

Napatingin ako sa gitna ng hall at nakita ang isang lalaking naka-itim din na may hawak na mikropono.

"Good evening ladies and gentlemen." Bati nito sa mic.

Pangisi-ngisi siya habang nililibot ang paningin sa paligid. Hanggang sa dumako naman saakin ang paningin niya.

"Tonight... Hihiramin lang namin ang iilan sainyo..." Sinabi niya yan habang diretsang nakatingin saakin

Ako na ang unang nag-iwas at humakbang patungo sa may pinto. Hindi na maganda ang kutob ko.

Pero hindi pa man ako nakakalimang hakbang, nagsalita na muli ang lalaki sa mikropono na siyang dahilan para magkagulo ang lahat.

"Get the chosen ones."

Nagsimula nang gumalaw ang mga lalaking nakaitim na nakapalibot saamin. Panay ang hablot nila sa mga babae na ikinataranta ko.

Tinakbo ko na ang pinto pero isang kamay ang pumigil saakin

"Not so fast."

Paglingon ko ay nakita ko ang lalaki kanina na nasa mikropono.

Nagpumiglas ako sa hawak niya pero isang malakas na suntok ang ginawad niya saakin sa sikmura.

Nanghina ako at napabagsak tungo sa direksyon niya. Naramdaman ko naman ang pag-angat to sa ere at nasilayan ko pa ang ngisi sa labi niya.

"Good for a class A."

Then everything went black.

-----
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any forms or by any means without the prior written permission of the publisher.

-Kiyan

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon