"Okay na. Bumalik ka na sa bahay mo." Pagharap ko kay Cheous nang makarating na kami sa bukana ng village nila.
Nakita ko naman na tumaas ang isang kilay niya habang nakahalukipkip na nakaharap saakin.
"Pagkatapos mo akong hila-hilahin, parang aso mo lang akong paaalisin?" Tanong niya na ikinataas din ng kilay ko.
"Sorry ok. Basta kaya ko na dito. Uwi ka na." Sabi ko sa mas polite na tono pero pinanatili ko parin na nakataas ang kilay ko.
In short, hindi ako sincere.
"Wow, I feel your sincerity." Sarkastiko niyang sabi bago ako talikuran. Itinaas niya lang ang kamay niya simbolo ng pamamaalam saakin habang humahakbang.
Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko bago umikot paharap sa gawi ng mansyon.
At ngayon ko lang napansin na may isa pa palang pinto sa likuran ng bahay. Halos katuad na ng main door. Ang kaibahan, isang pinto lang ang nandito at double-door naman yung nasa main.
Napakibit balikat nalang ako bago ko ihakbang ang mga paa ko papalapit doon. Nang matapat sa seradura, sinubukan ko iyong pihitin at sakto namang hindi naka-lock. Agad na pumasok ako sa loob. Suot ko pa rin ang tsinelas na pinahiram ni Cheous habang nagsisimula nang hanapin ang daan papunta sa hagdan.
Ilang hakbang lang at agad na namukhaan ko ang isang pinto, yung papunta sa hardin. Mula dito, naging pamilyar na saakin ang pasikot-sikot kaya mabilis na lang na nahanap ko ang hagdanan.
Weird lang kasi wala akong masalubong na kahit isang kasambahay.
Mabibilis ang ginawa kong hakbang pero bago ko pa man maitapak ang paa ko sa isang baitang, napatigil na kaagad ako. Mula kasi dito, matatanaw mo ang sala. At sa nakikita ko ngayon, may taong nakatayo doon mismo.
Isang lalaki. Hindi isa sa men in Black at lalong hindi isa sa mga katulong dito sa bahay.
Napalunok ako bago marahang humakbang patungo sa direksyon niya.
"May... Kailangan po ba kayo?" Pagtawag ko sa atensyon niya.
Parang biglang nagslow-mo ang paligid ko nang unti-unting humarap ang lalaki sa direksyon ko. Nakita ko rin kung papaano unti-unting lumaki ang mata niya nang makita ako.
"France?"
"Kitheia!" Mabilis na nakarating siya sa kinatatayuan ko at agad akong niyapos ng braso niya.
Nanatili naman akong naninigas sa kinatatayuan ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Hinahanap ka! Alalang-alala kami sayo..." Sabi niya bago mas humigpit ang yakap niya saakin.
Itinaas ko nalang ang isa kong kamay para tapikin siya sa likod. Ilan pang sandali at bumitaw na siya sa pagkakahawak saakin.
Bigla namang may pumasok na isang aso mula sa main door. Ngayon nalang ako ulit nakakita ng isang normal na aso at hindi isang lobo na doble ang laki.
Patakbo siyang tumungo saakin at inamoy-amoy pa ako bago pumunta sa amo niya.
"Good boy, Sear. Nahanap na natin siya." Pagkausap niya sa aso na mukhang ako ang tinutukoy.
Umangat ang paningin niya saakin bago ipakilala ang aso niya.
"Kit, this is Sear. Ipinasok ko siya sa isang hunter training para sa paghahanap ng mga lobo, pero nagamit ko rin naman ang ability niya para hanapin ka." Sambit niya na saglit kong ikinatigil.
Paghahanap ng lobo...
Napalunok ako nang maalalang hunter nga pala si France. Hindi siya pwede dito.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Manusia SerigalaSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop