KABANATA XXI

23.7K 674 12
                                        

Ilang araw ang lumipas na laging nakadikit saakin si Deus. Hindi naman ako kinakausap, pero sunod nang sunod.

Like now, nakahiga lang ako sa kama ko samantalang sya naman ay nakaupo sa sahig sa tabi ng kama.

Salubong ang kilay na hinarap ko sya.

"Hindi ba ako pwedeng magka-alone time?" Sabi ko na sinagot nya lang ng iling.

Napairap nalang ako.

At first, it was cute. Nakakakilig kasi nakabuntot sya saakin, but now? Hindi na nakakatuwa. Paminsan tuloy naiisip ko nalang na isa syang asong ulol.

"What are you thinking?"

Napatingin ulit ako sakanya na ngayon ay nakahalumbaba sa kama ko.

"Wala naman." Maiksing sagot ko bago ibalik sa kisame ang tingin.

Namayani ulit ang katahimikan sa loob ng kwarto ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng pagkilos. Narinig ko ang mga yapak ni Deus.

'Siguro lalabas na sya...'

Pero agad na napamulat ako nang maramdaman na lumubog ang foam sa tabi ko. Nanlalaki matang napatingin ako kay Deus na ngayon ay nakatagilid paharap saakin.

Mabilis na napausod ako papalayo sakanya.

"A-anong ginagawa mo?!" Gulat kong sambit.

Wala naman syang imik habang nananatiling nakatitig saakin.

Napausog pa ako papalayo sakanya hanggang sa maramdaman ko nalang na mahuhulog na ako sa kama.

Mabilis na iginalaw ko ang kamay ko para kumapit sa kahit na ano para mapigilan ang paghulog ko. Nahawakan ko pa ang kobre kama, pero sumama lang yun sa hila ko.

Handa na akong masaktan nang maramdaman ko nalang na may humawak sa dalawang braso ko.

Isang malakas na pwersa ang humila saakin pabalik sa itaas ng kama. Sa sobrang lakas, tumama ako sa mismong katawan ni Deus.

Agad na nanlaki ang mata ko at akma ko na syang lalayuan nang maramdaman ko nanaman ang braso nya na pumalibot sa bewang ko.

"D-deus..."

Hindi pa rin sya nagsasalita at naramdaman ko nalang na inihilig nya ang baba nya sa tuktok ng ulo ko.

"I won't harm you." Bulong nya sa akin.

Napabuntong-hininga nalang ako at hinayaan kami sa ganitong posisyon. Rinig ko ang tahimik na pintig ng dibdib nya.

Pakiramdam ko, pinapatulog ako non. Naipikit ko nalang ang mga mata ko. Unti-unti na akong hinihila ng antok ko nang makarinig ako ng malakas na pagbukas ng pinto.

Mabilis na napamulat ako kasabay ng pag-upo ko sa kama.

Agad na dumako ang paningin ko sa nakabukas na pinto ng kwarto ko. Nakita doon ang nakatayong babae na nanlalaki ang mata.

Agad na napabaling ako kay Deus na mukhang walang pakealam.

"Deus... Kakausapin ka ata---"

"I don't care."

Napatingin ulit ako sa babae na ngayon ay nakayuko na at kitang-kita mo ang panginginig sa magkasalikop na kamay nya.

"Pero Deus---"

Napautol muli ang sasabihin ko nang isang nakangiting lalaki ang dire-diretsong pumasok sa kwarto. Agad nanlaki ang mata ko nang mamukhaan sya.

"Cheous!"

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon