KABANATA XVII

24.3K 568 14
                                    

Nagtatalo ang isip ko sa kung ano nga bang magiging desisyon ko. Pero nang napatingin ako sa gawi ni Deus, nakita ko nalang ang sarili ko na hinahawi ang kamay ni Cheous.

Matipid ko syang nginitian at nakita ko naman agad ang pagkalumo ng itsura nya.

"I won't escape this time Cheous... I'll make him set me free." Sabi ko sakanya.

Nginitian nya rin ako at ibinaba na ang kamay nya. Naramdaman ko naman kaagad ang presesya ni Deus sa tabi ko.

"Have to go. See you next time, kitty." Paalam ni Cheous at agad nang umalis.

Sinundan ko lang sya ng tingin papalayo. Nagpapasalamat ako sa offer nya, pero kasi...

"Let's go?"

Napatingin ako kay Deus na ngayon ay nakalahad ang kamay sa harap ko. Matagal ko iyong tinitigan bago tanggapin.

Hindi ko kailangang tumakas. I promise to myself that I will let him set me free. Kukumbunsihin ko sya, and when that time comes, sana ay okay kami.

Inakay nya ako pasakay sa isa namang pulang kotse. But this time, nasa passenger seat na ako. Umikot sya papunta sa driver's seat matapos kunin ang susi mula sa isang lalaking naka-itim.

"Saan tayo?" Tanong ko sakanya.

"We're going home." Sagot nya at pinaandar na ang makina. Agad ko namang naisip ang mga gamit namin.

"Pero teka lang, paano yung gamit natin?" Tanong ko sakanya.

"We have plenty in the house." Sagot nya.

Siguro sya oo, pero paano naman ako? Eh pati yung mga dala ko nga ngayon ay hiram ko lang... Agad ko syang pinigilan nang akmang itatakbo na nya ang sasakyan.

"Pero... Wala naman akong gamit. Isa pa, hiram ko lang yung mga dala ko ngayon. Baka magalit yung may-ari pag di ko nauwi." Sabi ko na ikinatigil nya.

Kunot-noo nya akong hinarap.

"Hiram?"

Napatango ako.

"From whom?" Tanong nya na ikinakamot ko sa ulo ko.

"Yan ang di ko alam... Nakita ko lang sa closet dun sa kwarto. Hiniram ko na kasi mukha namang bago..." Mahinang sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya na ikinatingin ko sakanya.

"Anong nakakatawa?" Kunot-noo kong tanong sakanya. Minsan na nga lang tumawa, wala pa sa lugar.

"Those clothes... I bought them for you." Ngingiti-ngiting sabi nya.

Agad namang nanlaki ang mata ko. Ang lahat ng yon? Binili nya para saakin?

"Weh?" Nasambit ko nalang na sinagot nya lang ng tango.

Sinimulan na nyang paandarin ang kotse paalis sa lugar na ito. Uuwi na pala kami.

Siguro ay mga dalawang oras at kalahati lang ang naging byahe namin at nakarating na kami kaagad sa bahay nya.

Agad naman akong nagtakha.

Kahapon. Nang bumyahe kami, tanghali kami umalis. Bakit gabi na kami nakarating? Eh halos tatlong oras lang naman pala ang byahe?

Napanguso nalang ako sa sarili ko bago bumaba sa sasakyan.

Hinintay ko na makasunod si Deus at nakisabay ako sa mga hakbang nya. Wala kaming naging imikan hanggang sa makapasok na kami sa bahay.

"Magpapahinga muna ako." Paalam ko sakanya.

Hindi nya ako pinansin kaya napakibit-balikat nalang ako bago lumihis ng daan sa tinatahak nya. Minsan, hindi ko rin maintindihan ang lalaking yon. Napaka-bipolar.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon