Sumikat na ang araw nang mapagpasyahan naming magsimula nang maglakad pabalik sa bahay niya.
Walang nagsasalita saaming dalawa, pero hindi naman awkward ang katahimikan. Parang mas maganda pa nga sa pakiramdam ang katahimikan namin ngayon.
Panay lang ang lakad ko hanggang sa may makita akong kasalubong namin na tao. Pero sa lugar na to, walang tao kundi lobo lang.
Mabilis na napakapit ako kay Deus na ngayon ay mukhang walang pakialam. Marahan kong pinisil ang braso niya bago sya tignan.
"Deus, baka... Baka---"
"Alpha!"
Naibalik ko ang paningin ko sa makasalubong namin nang tawagin nila si Deus. Lumapit sila dahilan para mapahakbang ako patalikod.
Nang makarating sila sa harapan namin, bahagya silang yumuko sa tapat namin na ikinatakha ko.
"Good morning, Alpha." Sabay na bati nilang dalawa. Mukha silang... Mag-asawa?
Nang iangat nila ang paningin nila, dumapo iyon saakin at kaagad kong nakita ang pagtatakha sa mukha nila. Nagtinginan pa sila bago bahagya ring yumuko saakin.
"Good morning." Sabay na bati nila saakin. Alanganin akong napangiti bago napatingin kay Deus.
"Sino sila?" Pabulong kong tanong sakanya.
"Member of my pack." Plain na sagot niya saakin.
Member ng pack? Eh saan sila nakatira? Dito sa gubat?
Agad na nagpalinga-linga ako sa paligid, pero wala naman akong nakikitang bahay. Muli kong ibinalik sakanila ang paningin ko bago muling bumulong kay Deus.
"Nasaan ba yang pack mo?"
Wala siyang naging sagot at imbes na ako ang kausapin, ang mag-asawa sa harapan namin ang kinausap niya.
"I'll visit today." Maiksi niyang sagot na mukhang agad namang nakuha ng dalawa.
Lumawak ang ngiti nila bago muling bahagyang yumuko.
"We're glad, Alpha."
Sabay silang tumalikod saamin at nagsimulang maglakad papalayo. Napasunod nalang din ako nang magsimula na ring maglakad si Deus pasunod sakanila.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nakatingala sakanya.
"In my pack."
Napatango ako. So makikita ko na pala ngayon ang pack niya...
Agad na naimagine ko ang itsura ng pack niya. Siguro katulad yon nung mga nakikita ko sa movie na parang campsites para sa mga mandirigma. Parang kasi pag under ka kay Deus, walang kasiyahang magaganap.
Panay lang ang lakad namin at agad na natuwa ako nang makita na ang mansyon ni Deus. Akma na akong hahakbang papasok sa damuhan ng hardin nang lumiko si Deus dahilan para mapaliko din ako.
Nagtatanong na tumabi ako sakanya habang nakatingin pa rin sa bahay niya.
Oo nga pala... Sa pack niya raw pala kami pupunta. Napabuntong-hininga nalang ako bago ko bawiin ang paningin ko sa mansyon.
Para lang kaming umikot at napadpad kami sa likurang bahagi ng mansyon. Agad na namataan ko ang sementadong daanan mula sa likod ng bahay ni Deus na may parang welcome post pa.
'Legend'
Yan lang ang nakalagay. Napakibit-balikat nalang ako bago sumunod sa hakbang ng mag-asawa.
Hindi ko na inalala ang paa ko na walang sapin. Ganoon din naman si Deus eh. Parehas lang kami.
Nang makaapak sa sementadong kalsada, sinunod namin kung saan iyon patungo at halos mapanganga ako sa kung saan kami napadpad.

BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
WerewolfSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop