"Uhm..."
Wala kaming imikan na dalawa habang nakaupo lang dito sa labas ng balkonahe. Wala talaga akong balak magsalita, pero kasi nagugutom na ako... Isa pa, palubog na ang araw.
"Dito ka lang ba?" Tanong ko sakanya na ikinatingin nya saakin.
"Why? Where are you going?"
Napakamot ako sa ulo ko sa tanong nya.
"Ano... Kakain sana ako..." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya. Napahawak pa ako sa tyan ko nang bahagya 'yong tumunog.
Tumayo sya na syang ikinatingala ko sakanya. Nakita ko nalang na nakalahad na sa harap ko ang kamay nya.
"Let's go."
Walang pagdadalawang-isip naman na tinanggap ko ang kamay nya na nakalahad para makatayo. Pagkatayong-pagkatayo ko ay bibitaw na sana ako, pero mahigpit nya iyong hinawakan.
Walang imik nya akong hinila pabalik sa kwarto. Tinungo namin ang pinto at lumabas.
Wala ulit kaming imikan dalawa kaya napatingin nalang ako sa kamay naming magkahawak. What if hindi ako ang mate nya? Gagawin nya pa rin kaya to saakin?
Napanguso nalang ako. Malamang hindi.
"What do you want to eat?" Napatingin ako sakanya na ngayon ay nakaharap saakin.
Agad na inilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang nasa kusina na pala kami. Agad na namataan ko sina Mari na nakatingin saamin.
Nahiya naman ako kaya pinilit kong kunin ang kamay ko na hawak nya. Binitawan nya naman ang kamay ko na saglit ko pang ikinalungkot.
Akala ko pa naman, hindi nya pa rin binitawan ang kamay ko...
"Kahit ano nalang." Sagot ko sa tanong nya.
Nakita ko ang bahagya nyang pagtango bago ako talikuran. Napanganga ako nang makitang nagsuot sya ng apron.
Magluluto ba sya?
"Ako na!" Pigil ko sakanya nang akmang kukuha na sya ng mga sangkap pangluto.
Mabilis naman nyang iniwas saakin ang hawak nyang gulay.
"I know how to cook. You don't have to worry." Sabi nya pa na ikinailing ko.
"Hindi naman yun eh..." Nakakahiya lang.
Magluluto sya para saakin. Sya na alpha nitong pack. Can you imagine that?
Napaupo nalang ako sa isang stool at nangalumbaba sa harapan nya na abala na sa paghiwa ng kung anu-ano.
Napatingin pa ako kay Mari na ngayon ay nanunuksong nakatingin saakin. Binelatan ko nalang sya atsaka nangalumbaba ulit.
Tinitigan ko si Deus na ngayon ay seryosong-seryoso sa pagluluto.
"Staring is rude."
"Eh sa gusto ko eh---" agad na napatakip ako sa bibig ko nang awtomatik iyong sumagot.
Nakita ko pa ang pagtaas ng isang sulok ng labi nya dahilan para mapaiwas ako ng tingin sakanya. Napaka-gwapong nilalang.
Nang matapos sya sa paghiwa, tumungo naman sya sa lutuan. Agad na nagsitabi ang mga babae na kanina lang ay may ginagawa doon.
"Alpha, kami na---"
"Fuck off."
Agad nanlaki ang mata ko nang murahin nya yung isang babae. Nakita ko pa ang pagbalatay ng takot sa mukha nung babae kanina. Napatitig ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Lupi mannariSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop