Kadiliman. Yan lang ang nakikita ko.
Napaigtad ako nang sumakit nanaman ang ulo ko na para bang binibiyak 'to. Gusto kong itaas ang kamay ko papunta sa ulo ko pero hindi ko naman magawa. Para akong paralisado.
Nagsimula na rin akong maghabol para sa hangin nang magtagal ng ilan pang minuto ang pagsakit ng ulo ko. Ramdam ko na may tumulong isang luha mula sa mata ko.
Pakiramdam ko, may kung anong pumipigil sa isip ko na makaalala. Para itong pinipiga sa sobrang sakit at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na ako.
Pero napatigil ako nang isang malamig na kamay ang naramdaman kong pumatong sa noo ko. Ramdam ko rin ang hangin na tumatama ngayon sa kaliwang pisngi ko.
'Stay safe... My Luna.'
Isang tao lang ang naalala ko sa boses niya... Ang white witch.
Pakiramdam ko para akong hinila mula sa malalim na pagtulog. Mabilis na pumasok sa utak ko ang lahat ng mga alaalang nawala ko... Mula sa alumni, sa auction, sa mansyon ni Deus, at sa... Sa pag-reject ko sakanya.
Agad na naibukas ko ang mata ko at walang pagdadalawang isip na bumalikwas ng tayo. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaupo, meron nang kamay na pumigil saakin.
"Mahiga ka muna."
Agad na napatitig ako sa mukha ng taong nakahawak ngayon sa magkabila kong balikat at pilit akong pinapahiga pabalik.
"S-sino ka?" Panimulang tanong ko at inilibot ang tingin sa paligid. "Paano ka nakapasok sa kwarto ko?"
Nang ibalik ko sakanya ang paningin ko, nakita ko na hindi lang pala siya nag-iisa dahil apat sila. Dalawang lalaki at dalawang babae
Pero ang naaalala ko... Nasa gubat ako. Nasa gubat kami nang mangyari iyon...
Mabilis na tinanggal ko ang kamay niya sa magkabila kong balikat at pinilit na tumayo at agad na lumayo sakanila. Sumiksik ako sa isang sulok ng silid habang matamang nakatitig sakanila.
"I-isa ba kayo sakanila? Mga witches din ba kayo?!"
Nakita kong nagtinginan sila pero wala namang gulat sa mukha nila. Ibigsabihin ba nito...
"Hindi. Mali ang iniisip mo." Buntong-hiningang sagot nung isa pang lalaki na halos kamukha lang din nung isa.
Pero hindi pa rin ako naniniwala at pinanatili ang distansya ko sakanila.
"Kung hindi nga... P-paano ako napunta dito? Kayo? Paano kayo napunta dito?"
"Nakita ka nina Mama sa tabi ng kalsada na wala sa sarili kaya sinama ka nila pauwi. Magha-hiking sana tayo kanina kaso hinimatay ka. Naghanap kami ng bahay at ito ang nahanap namin." Sagot nung isa sa kambal na agad ikinakunot ng noo ko.
"A-anong hiking? Hindi ko kayo kilala!"
Nagkibit-balikat lang ang isa na agad kong ikinatakbo palapit sakanya. Mabilis na napahawak ako sa magkabila niyang braso at marahan siyang niyugyog.
"M-may kasama ba ako nang makita niyo ako? Isang... Isang lalaki? M-natangkad tapos itim ang buhok at kulay abo ang mat---"
Naiwan sa ere ang lahat ng sasabihin ko nang makita ko ang marahang pag-iling ng isa sakanila. Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.
"Mag-isa ka na inuwi nina Mama."
Pero hindi pwede...
Nanghihinang napaupo ako sa tabi ng kama ko at napatitig sa kawalan. Bakit... Bakit hindi ko maalala? Ano nang nangyari pagkatapos ng pag-reject ko sakanya? Nasaan na siya? Ano nang nangyayari sakanya? Bakit hindi ko maalala!

BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
WilkołakiSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop