KABANATA III

31K 911 67
                                        

I woke up with a strange feeling of coldness surrounding me.

Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala ang lahat ng nangyari kani-kanina lang.

Nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa malamig na sahig habang napalilibutan ng mga makakapal na rehas.

Napatayo ako atsaka mabilis na nilapitan ang mga iyon.

"Tulong!" Sigaw ko pero tanging echo lang ang narinig ko.

Sobrang dilim ng paligid na para bang ako lang ang taong nandito sa loob, pero alam kong hindi.

Later on, nakarinig na rin ako ng ibang mga sigaw ng mga babae na kung tatantyahin ko ay malapit lang sa kinalalagyan ko.

'Tulong!'
'Help!'
'Pakawalan niyo kami!'

Ilang sandali lang, agad na nawala ang mga boses na iyon nang biglang may lumitaw na liwanag sa dulo ng dilim.

Narinig ko ang mga yapak ng sapatos na papasok sa loob. Biglang lumitaw ang isang silhouette ng isang tao sa liwanag na kung hindi ako nagkakamali ay mula sa nagbukas na pinto.

"Good evening ladies." Pagsasalita ng boses lalaki.

Pamilyar ang boses niya na parang narinig ko na... Kaboses niya ang lalaking kumuha saakin kanina.

Biglang lumiwanag ang buong paligid dahilan para mapatakip ako sa mata ko.

"Ano bang kailangan niyo?!" Matapang na sigaw ng isang boses babae.

Ilang segundo akong nakapikit bago ko unti-unting buksan ang mga mata ko. Bumungad saakin ang marami pang mga selda na bawat isa ay may lamang isang babae.

Agad na dumako ang paningin ko sa pwesto ng lalaki kanina. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang lalaking kumuha saakin mula sa hall.

May buhok siya na mahaba at kulot na katulad ng kay Michael Jackson. May suot din siyang itim na sumbrero na nagtatago sa mga mata niya.

"Hmn... Sabihin nalang natin na, kailangan namin ng magagandang babae. And you are all lucky to be chosen as one." Nakangising sabi niya.

Agad kong narinig ang pag-alma ng iba pang mga babae. May iba na ring nagsimula nang umiyak. Nanatili akong tahimik habang pinapakalma ang sarili ko.

'Dont worry Kit... Malamang hinahanap ka na ni Janelle sa ngayon... Makakaalis ka rin dito.'

"Shut up!" Sigaw ni Michael Jackson. Agad namang tumahimik ang buong paligid.

May pumasok na isa pang lalaki sa loob at may ibinulong kay Michael Jackson.

Ilang saglit lang at sumilay nanaman ang ngisi sa mga labi niya.

"Now ladies... The fun had just began."

Pagkasabing-pagkasabi niya ng mga salitang iyon, dosenang mga lalaki pa ang pumasok sa lugar at isa-isang pinasok ang bawat selda.

Napasiksik ako sa gilid nang may isa ring lalaki na nagbukas ng selda ko.

"Lumayo ka saakin!" Sigaw ko pero hindi siya nagpatinag.

May hawak-hawak siyang kadena na may posas kasama ng isang parang collar.

Pinilit kong magpumiglas nang hawakan niya ako sa braso pero agad niya akong napigil gamit ang braso niya na pinalibot niya sa leeg ko.

Halos maubusan na ako ng hininga habang kinakabit niya sa dalawang kamay ko ang hawak niyang posas. Sunod naman na kinabit niya ang collar sa leeg ko.

Nang bitawan niya ako ay napaubo ako dahil sa kakapusan sa hangin.

Muli kong nahigit ang hininga ko nang hilahin niya naman ang kadenang nakakabit sa collar na nasa leeg ko.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon