Kadiliman...
Yan lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung nakapikit ba ako o nakamulat dahil alin man sa dalawa, dilim pa rin naman ang nakikita ko.
Pakiramdam ko, lumulutang ako. Ni hindi ko alam kung humihinga pa ba ako, pero alam kong dapat ay hindi na.
Sariwa sa alaala ko ang huling ginawa ko. Nagawa kong saksakin si Trish... Pero kapalit non ang buhay ko.
Pero bakit walang masakit saakin? Ito ba ang pakiramdam pag namatay? Yung tipong, wala nang hirap at sakit?
Siguro nga... Siguro nga, patay na ako.
Pero agad na nabawi ko yon nang may gumapang na init sa katawan ko. Pakiramdam ko, napapaso ako. Nagsimula iyon sa bawat gilid bg katawan ko hanggang sa unti-unting kumalat ang init.
Sa sobrang init ay pakiramdam ko malalapnos ang balat ko. Gusto kong gumalaw, pero nanatiling walang kilos ang katawan ko. Gusto kong umiyak o umungol man lang sa sakit, pero kahit ang ibuka ang labi ko ay hindi ko magawa.
Hanggang sa mas dumoble pa ang init na bumabalot sa katawan ko.
Agad na ginawa ko ang lahat para lang makagalaw ako. Gusto kong umalis sa pwesto ko... Pakiramdam ko, sinusunog ako ng buhay.
Akala ko ba wala na? Akala ko ba hindi na ako ulit makakaranas ng sakit? Akala ko pag patay na, wala nang mararamdaman? Pero hindi eh... Ano to?
Napuno ng katanungan ang isip ko hanggang sa bigla ko nalang naigalaw ang daliri ko.
Malalim na humugot ako ng hininga kasabay ng pagmulat ng mga mata ko. Sa una, blanko ang ang nakikita ko... Ni wala rin akong marinig. Hanggang sa unti-unting pinuno ng mga boses ang tenga ko. Hiyawan. Palakpakan. Sigawan.
Agad na kumurap-kurap ako nang unti-unting makaaninag ang mga mata ko.
"Oh wow..."
Agad na napatingin ako sa gilid ko at nasilayan ang napakapamilyar na mukha. Hindi ko maiwasang kabahan nang makita siya.
"Look at this face... Lovely, isn't it?"
Michael Jackson...
Agad na napabalik ang tingin ko sa harap nang marinig ang hiyawan mula roon. Napatingin din ako sa kamay ko na ngayon ay nakaposas at ramdam ko rin ang kadena sa leeg ko.
Bakit... Bakit nandito nanaman ako?
Hindi ko maiwasang matakot. Baka kagagawan nanaman ito ni Trish. Baka hindi ako nagtagumpay sa pagpatay sakanya. Baka binalikan niya ako...
Pero ako? Dapat patay na ako. Kung hindi ko man siya napatay, sigurado naman ako na dapat ako ay patay na.
Agad na inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Umaasang nandito ang nag-iisang taong gusto kong makita...
"Let's start the bidding for this class A!"
"100!"
Nagsimula na silang magsigawan ng presyo habang ako ay patuloy sa paglibot ng paningin sa paligid.
"200!" Sigaw ng isa pa na ikinatingin ko sakanya.
100... Dapat may sisigaw ng 100 ngayon, at siya dapat iyon.
Pero hindi nangyari ang inaasahan ko.
"Going twice?" Sabi ni Michael Jackson sa mikropono pero walang sumagot. "Going thrice?"
At that very moment... Agad na naibaba ko ang paningin ko. Pakiramdam ko naabandona ako. Bakit wala siya? Dapat nandito siya ngayon!
"Going thrice!"

BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
WerewolfSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop