KABANATA XXXIV

17.7K 462 21
                                    

Itinulak niya ako dahilan para gumulong ang inuupuan ko papunta sa kabilang direksyon. Mabilis na napalingon ako para tignan kung saan ako papunta.

"Cover the Luna!" Pasigaw na sabi ni Mari at agad na sinalo ang upuan ko.

Nagsimula siyang tumakbo habang tulak-tulak ang inuupuan ko at pilit na iniiwasan ang mga kalaban na mukhang ako talaga ang pakay.

"Shit!"

Napalingon ako kay Mari na ngayon ay biglang nawala sa likod ng upuan ko. Nakita ko nalang na nakahiga na siya sa sahig habang inaatake ng isang witch.

Gusto ko siyang tulungan, pero sa sitwasyon ko ngayon ay paniguradong gulo lang ang maihahatid ko.

May nakita akong isa pang witch na papalapit saakin. Agad na inakyat ako ng kaba pero mas nadagdagan iyon nang maramdaman ko ang malakas na pwersa na tumulak sa upuan ko.

"I'm sorry Luna!" Hinging paumahin ni Mari. Mukhang alam ko na kung anong ginawa niya... Literal na sinipa niya ako papalayo.

Napapikit ako nang magsimulang gumulong ang upuan ko, yindi papalayo ngunit mas papalapit pa sa kumpulan ng mga witch ngayon na paniguradong hinihintay nalang na dumating ako sa mismong harap nila.

"Oops! Wrong way!"

Malakas na pwersa ang humatak saakin na agad na ikinamulat ng mga mata ko. Ang humihila ngayon saakin ay walang iba kundi ang isa sa kambal. Agad na tinignan ko silang apat. Ang isa ay nasa likod ko habang ang tatlo ay nagkanyang ayos sa tabi ko.

Nagtatakhang napatingin ako sakanila, lalo na sa dalawang babae, nang magsimula silang kapain ang katawan nila. Anong nangyayari?

Mas lalo akong nagulat nang walang pasabing itinaas ng isa sa mga babae ang palda ng suot niyang dress. Pero agad na napahinga ako nang malalim nang makitang naka-short naman pala siya.

"Guns... Guns..." Bulong nito at biglang napangiti nang may makita sa kabilang legs niya na hindi ko makita.

Pero halos manigas ako nang bunutin niya ang isang baril mula roon. Nakangisi siya nang bigla siyang mapatingin saakin. Naging isang alanganing ngiti ang ngisi niya.

"Uhm..."

"We're hunters." Sagot ng isa sa kambal nang makita ang alinlangan sa babae.

Pero teka... Hunters?

Muli nanaman akong ginapang ng kaba. Paano kung katulad sila ni France? Paano kung mauuwi lang din sila sa pagtataksil saakin? Saamin?

"Witch. Hunters. To be exact." Dagdag nung isa pang babae na ikinatingin ko sakanya.

Pati siya ay may kawak nang baril. But this one is longer. Nang mapatingin naman ako sa kambal ay may kanya-kanya na silang hawak na matalas na mga armas. Hindi ako sigurado kung dapat ba na tawagin iyong espada...

"Wag kang mag-alala, Sam--- Este, Kit. We're here to back you up."

Nanatili lang akong nakamasid sakanilang apat lalo na nang magsimula nang sumugod saakin ang mga witches. Apat sila na nakapalibot saakin. Kahit panay ang palit nila ng pwesto, mukhang walang may gustong tumibag sa pagpalibot saakin.

Halos mapasinghap ako nang sa pagsugod ng isang witch sa isa sa babae ay halos mapaurong siya palapit sa direksyon ko. Gumawa ng marka ang paa niya na paniguradong ginamit niya para itigil ang sarili na tuluyang tumama saakin.

Nilingon niya ako at binigyan ang assuring smile bago balingan ang kaharap niya.

"You piece of shit!" Bulyaw niya sa witch at hindi ko na nakita pa ang sunod na ginawa niya.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon