KABANATA VII

27.2K 760 36
                                    

Nang imulat ko ang mga mata ko, malakas na sikat ng araw na agad ang bumungad saakin. Napatingin ako sa higaan ni manang na ngayon ay ayos na ayos na. Nakatupi na ang kumot at nasa ayos na ang mga unan.

Mabagal akong napaupo atsaka nag-isip isip.

'Kung hindi ako makakatakas... Baka kailangan ko lang bumalik sa pinaka-una kong plano. Ang magpakabait. Baka sakaling maawa sila saakin at palayain na ako.'

Tama. Yun na nga ang gagawin ko.

Mabilis akong napatingin sa orasan na nakakabit sa pader.

"11 o'clock na pala." Mahinang bulong ko.

Mabilis akong bumangon atsaka nagtungo sa banyo. Naligo ako at inayos ang sarili ko. Ngayon na ang araw na magsisimula akong magpakabait.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago napabuntong-hininga.

"Kaya mo to Kitheia. Makakaalis ka rin dito." Bulong ko.

Ipinaskil ko ang isang ngiti sa labi ko pagkatapos. I need to smile.

Mabilis na lumabas ako ng silid at agad hinanap kung nasaan si manang.

Hindi naman ako nahirapan dahil agad ko siyang nakita sa daan.

"Manang!" Tawag ko sakanya. Nakangiti naman niya akong hinarap.

"Oh, ija. Gising ka na." Lumapit siya saakin at agad naman akong napatingin sa bitbit niyang basket.

"Ano yan manang? Maglalaba ka?" Tanong ko na siyang tinanguan naman niya.

"Ako na po." Nakangiting sabi ko at akma nang kukunin ang basket nang mabilis niya itong iiwas saakin.

"Ay nako! Hindi na. Kaya ko na to." Sabi niya.

"Pero, ano pong gagawin ko?" Tanong ko.

Mariin niya akong tinignan atsaka napabuntong-hininga.

"Sumunod ka." Sabi niya at nagsimulang maglakad.

Tahimik naman akong sumunod sa likod niya habang pasimpleng inililibot ang paningin sa paligid.

Ang gara talaga ng bahay...

"Para may gawin ka, tumulong ka nalang dito sa kusina."

Agad na napabaling ang tingin ko kay manang nang bigla siyang magsalita. Hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng kusina.

May mangilan-ngilang babae na nandirito at hindi magkanda-ugaga sa pagkilos. Pero agad silang tumigil nang tawagin ni manang.

"Ladies. May bago tayong kasama. Simula ngayon, dito na siya sa kusina. Nakuha niyo ba?" Striktong sabi ni manang.

Nakita ko namang nagsiyukuan ang mga babae sakanya. Agad akong napatitig kay manang. Ibang iba siya sa harapan ng ibang tao kesa sa kaming dalawa lang...

Naputol ang pagtitig ko sakanya nang nakangiti niya akong harapin.

"O siya. Aalis na ako at maglalaba pa ako. Dumito ka na muna sa kusina." Sabi niya.

Agad akong napatango at napasunod nalang ng tingin sa papalayo niyang pigura.

"Psh. Sipsip."

Agad akong napatingin sa mga babaeng kasama ko dito. Pilit akong napangiti nang makita sila na masasama ang tingin saakin.

Lumapit ako sa isang babae at inalok ng tulong sa paghiwa ng mga sangkap pero mabilis niya akong pinigilan.

"Wag na. Sagabal ka lang." Nakairap niyang sabi.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon