KABANATA IX

25.7K 776 23
                                    

'Run bitch! Run!'

Mabibilis ang mga hakbang ko at halos naliligo na ako sa pawis at luha. Panay ang lingon ko sa madilim at makipot na daan sa likod ko.

Pinilit kong abutin ang dulo ng pasilyo pero mukhang walang katapusan ang tinatakbuhan ko.

'Just die.'

Agad na napatigil ako nang isang pigura ang humarang sa harapan ko.

Nanginginig na napahakbang ako patalikod habang siya naman ay lumalapit.

Sinugod niya ako at agad ko namang ipinangharang ang braso ko sa mukha ko. Agad kong naramdaman ang hapdi sa mga iyon.

'Sino ka ba?!" Matapang kong tanong kahit na nananakit ang braso ko.

Kutsilyo... May hawak siyang kutsilyo.

'Bakit ko sasabihin sayo?' nang-uuyam na sabi niya.

Muli niya akong sinugod at sa pagkakataong nakalapit siya saakin, biglang napuno ng isang malakas at nakasusulasok na amoy ang ilong ko.

Isang pamilyar na pabango...

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa hapdi sa braso ko.

Agad ko iyong hinaplos at pinagmasdan.

'Walang sugat...'

Pero bakit masakit parin?

"Gising ka na."

Agad akong napatingin sa tabi ko at nakita ang mukha ni manang sa tabi ko.

Kung ganon... Panaginip lang iyon? Muli kong tinignan ang braso ko na bahagya paring kumikirot.

"May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya. Agad naman akong umiling bilang sagot.

"W-wala naman manang..." Nagulat pa ako nang biglang mabasag ang boses ko.

Para bang tuyong-tuyo ang lalamunan ko...

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga na ikinatingin ko sakanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang pintuan.

"Kukuhaan kita ng pagkain. Siguradong gutom ka na." At tumuloy na siya sa paglabas.

Agad na nangunot ang noo ko nang mapansing wala ako sa kwarto namin ni manang.

Nag-iisa lang ang kama rito at malawak ang paligid. Nasaan ba ako?

Pinilit kong tumayo sa kama. Bahagya pa akong napatigil nang sumakit ang ulo ko.

"Ano bang nangyari?"

Inilibot ko ang paningin ko sa silid at nakita ang isa pang pinto. Agad ko iyong nilapitan at binuksan.

Isang malawak na banyo ang bumungad saakin na mas malaki kumpara sa banyo namin ni manang. Kumpleto din ang gamit dito at may mga roba pa.

Muli akong napabalik sa kama ko at nag-isip isip.

Oo nga pala... Natusok ako ng tinik.

Agad na napatingin ako sa daliri ko na walang anumang bahid ng tusok o kahit na sugat manlang.

Muli akong tumayo at tinungo naman ang pintong nilabasan ni manang kanina. At saktong pagbukas ko, isang malapad na dibdib ang sumalubong saakin.

Agad akong napatingala para tignan ang mukha ng nagmamayari ng dibdib na to.

"D-deus..." Utal kong sabi at mabilis na naibaba ang paningin ko.

"Glad you're already awake." Sabi niya sa isang seryosong tono.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon