Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang prenteng nakaupo sa pahabang sofa. Kaharap ko ngayon si Janelle na hindi rin mawala-wala ang ngiti habang prente ring nakaupo sa single sofa.
"Keep an eye on my wife, you understand?"
Sabay na napalingon kami sa may hagdan nang bumaba mula roon ang dalawang magkapatid. Halos hindi na maipinta ang mukha ni Cheous habang pinapaalalahanan siya ni Deus.
"Yeah yeah..." Yamot na sabi niya.
Humakbang sila papalapit saamin. Agad na sinalubong ko ng beso ang asawa ko na ayos na ayos na. Kikitain niya ata ang Daddy nila na ang huling kita ko pa ay nung tinali nila ako dahil sa wala ako sa sarili.
"Ingat ka." Sabi ko sakanya. Isang ngiti naman ang sinagot niya saakin bago ako hagkan sa noo.
Sunod ay ang tyan ko naman ang hinagkan niya.
"Be good to your mommy." Paalala niya dito bago nakangiting tumuwid ng tayo.
Tinanaw ko siya hanggang sa makalabas siya ng pinto. Kinawayan ko pa siya bago bigyang pansin ang dalawang taong naglalampungan na sa harap ko.
"Ehem..." Agaw ko sa atensyon nila.
Mabilis naman na tumuwid ng tayo si Cheous habang nangingiti lang ang kaibigan ko habang sapo-sapo ang tyan niya.
And yes. Buntis kami pareho. Halos sabay din. Hindi ko nga alam kung nakikipag-kumpetensya ba iyong si Cheous sa asawa ko dahil sinabayan pa talaga ang honeymoon namin sa lampungan nilang dalawa.
Ang ending, pareho kami ngayong busog sa loob ng 4 months. At anytime, lalabas na sila.
Makahulugan kong tinignan si Janelle na sinuklian lang ako ng matamis na matamis na ngiti. Hindi ko maiwasang mapailing. Akala mo walang gagawing masama...
Nakita ko ang pagkuhit niya sa asawa niya na nagtatanong siyang tinignan. Nagkunwari siyang nangingiwi habang sapo-sapo ang tyan niya.
"S-sumasakit yung tyan ko..."
Malapit na akong mapapalakpak sa ginagawa niya. Best actress talaga!
Nakita ko naman na parang nataranta si Cheous. Mabilis na hinawakan niya rin ang tyan ng babae.
"Ano? L-lalabas na ba?" Aligaga niyang tanong. Mabilis na tumango-tango sakanya si Jane.
Nang makita ang akmang pagbuhat niya sa kaibigan ko, sinimulan ko na rin ang pag-arte.
Nagkunwari rin akong umiinda ng sakit sa tyan.
"C-cheous... Manganganak na rin ata ako!"
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya kasabay ng pagtigil ng pagkarga niya sa kaibigan ko.
"A-ano?"
Nakita ko ang tumulong pawis sa noo niya, lalo na nang magkapanabay kaming umungol ni Jane.
"S-sandali lang!" Stressed na sigaw niya habang hindi na alam ang gagawin.
Sa huli, binuhat niya ang kaibigan ko at nilipat sa tabi ko. Mabilis na pumwesto siya sa likod ng sofa, at hindi ko alam kung papaano, pero itinulak niya ang sofa na parang wala lang.
Nagkatinginan kami ni Janelle dail sa ginawa niya.
Malulutong na mura ang naririnig namin mula kay Cheous na mukhang pursigidong ilabas kami gamit itong sofa dahil hindi niya naman kami mabubuhat nang sabay. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak na ako ng tawa. Halos magkasabay lang kami ni Jane.
"B-bakit kayo tumatawa?" Rinig kong tanong ni Cheous sa likod kasabay ng pagtigil sa pagtulak sa sofa.
Hindi namin siya pinansin at nakipag-apir lang sa isa't isa. Narinig ko ang mga yapak niya at maya-maya lang ay nasa harapan na namin siyang dalawa ni Jane.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
WerewolfSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop