KABANATA X

25.7K 807 98
                                    

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid nang bigla nalang sumakit ang dibdib ko.

Nung una, maliliit na kirot lang ang nararamdaman ko, but then, as time goes by, unti-unti nang lumalala. Napahawak nalang ako sa dibdib ko.

"Ayos ka lang ba ate?" Rinig kong tanong ni Mari.

Sinubukan ko pa siyang tanguan habang pilit na nilalabanan ang sakit pero hindi ko makaya.

Nagsimula na akong maghabol ng hininga habang pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa dibdib ko.

"Ija. Anong nangyayari sayo?" Nagaalalang tanong ni manang pero hindi ako makasagot.

Ibinuka ko na ang bibig ko para makakuha ng mas maraming hangin.

"Mari! Bilisan mo at tumawag ng doctor!"

Namilipit ako sa sakit habang si manang naman ay halos hindi magkanda-ugaga sa pag-alalay saakin paupo.

"Ano bang nangyayari sayo?" Aligaga niyang tanong.

Narinig ko ang pagbalya pabukas ng pinto at ang pagpasok ng isang nakaputing estranghero.

"Anong nangyayari?" Pambungad niyang tanong habang nilalapitan ako.

Hindi ko naman magawang sumagot at nanatili akong naghahabol ng hangin.

"Call the alpha." Sabi niya.

Agad akong napailing. Bakit pa?

"W-wag na--- argh!" Napadaing ako nang mas lalo pa itong kumirot.

Narinig ko pa ang pagkaripas ng takbo ni Mari palabas ng silid.

Agad akong sinipat ng doctor at ilang minuto lang ang nakalipas, bigla nang nawala ang kirot sa dibdib ko.

Agad akong huminga ng malalim nang umayos na ang takbo ng paghinga ko.

"Nakakahinga ka na ba ng maayos?" Rinig kong tanong ng doctor na sinagot ko naman ng tango.

Nanatili akong nakahawak sa dibdib ko. Ito ang unang beses na sumakit nang ganito ang dibdib ko. Parang... Parang binabasag ang puso ko...

"Kailan mo pa simulang naranasan ang ganitong bagay?" Tanong niya.

"I-isang buwan na rin ata..." Hindi siguradong sagot ko.

Nakita ko ang pagtango niya at ang muling pagbuka ng labi niya para magtanong. Pero napatigil kami nang isang malakas na presensya ang biglang pumuno sa silid.

Agad akong napatingin sa pinto at isang mukhang naabalang lalaki ang bumungad saakin.

"What's happening?" Tanong niya sa mababang boses bago tumuloy sa pagpasok.

Sumunod sa likod niya ang isang babaeng mukhang hinalay dahil sa magulong buhok at nakalihis na damit na kinaiinisan ko. Trish.

Agad na umalingasaw ang matinding pabango niya sa silid. Tinapunan niya agad ako ng isang matalim na tingin.

"Ano nanaman bang inaarte mo?" Mataray na tanong niya.

Agad akong napayuko.

'Mukhang... Naabala ko sila sa ginagawa nila.'

"Anong nararamdaman mo?" Rinig kong tanong ng doctor na hindi alintana ang pagsulpot ng dalawa.

Agad akong napatingin sakaya.

"T-tinutusok ang dibdib ko... Pero doc, kanina lang yun sumakit nang sobra." Mahinang sabi ko saka ko muling hinawakan ang dibdib ko. "Wala naman po akong sakit sa puso..."

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon