KABANATA XXIX

17.1K 445 8
                                    

Binitawan ko na sya sa oras na tinanguan niya ako. Pabagsak na tumumba siya sa lupa habang hawak-hawak ang isang braso niya. Tuluyan nang lumubog ang araw pero patuloy ang nagaganap na labanan.

Agad na hinanap ng paningin ko si Deus na nakita kong nasa malapit lang at katatapos niya lang din patumbahin ang huling kalaban niya. Mabilis na tumakbo ako papalapit sakanya.

"Witches!" Panimulang sabi ko hanggang sa nakaharap ko siya. "Tinutulungan sila ng witches."

Hindi pa siya nakakasagot nang biglang may naganap na pagsabog sa hindi lalayuan. Nang mapatingin ako doon, unti-unting kumakalat ang isang usok na mukhang nagmula sa bomba.

Nakita ko kung paano natigilan ang ibang mga kasamahan namin na malapit sa may usok. Pinakatitigan ko sila at nakitang hindi sila maayos na nakakahinga.

"Anong nangyayari?" Aligagang tanong ko kay Deus.

"Wolfsbane."

Muli nanamang may lumapit na mga kalaban saamin. Tinulak niya ako papalayo na ikinakunot ng noo ko.

"Go. As long as you have my mark, you will share the power with me. Stay safe, my Luna."

Now this mark makes sense. Nginitian ko siya bago ako nagtatakbo papalayo, pasalubong sa mga kalaban na akmang susugod saakin.

Tuloy lang ako sa pagsuntok, pagsipa at hindi naman ako pumapalya dahil napapalipad ko sila ng ilag metro papalayo saakin. Abala ako sa pagpapatumba ng huli kong kalaban nang mamataan ang isang tao na nakatayo ng ilang metro mula saakin.

Tinapos ko ang kalaban ko sa pagbalibag sakanya sa lupa atsaka ko hinarap si France na mariing nakatitig saakin. Hindi ko maiwasang hindi ikuyom ang kamao ko at agad siyang sinamaan ng tingin.

"Bakit ka nakipagtulungan sa witches France?" Gigil na tanong ko habang nakatitig sakanya.

Nakita ko naman ang bahagya niyang paglunok bago niya ibuka ang labi niya.

"I was desperate. To find you... And to find this place. I waited for years, Kit. Taon ang ginugol ko para lang mahanap ang lugar na 'to. At ngayong nahanap ko na, gagawin ko ang lahat para madispatsa ang lahat sakanila." Nakikita ko ang puot sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon saakin.

Napailing ako bago siya muling tanungin.

"Alam mo ba na hawak nila si Jane?" Tanong ko. Hinihiling na sana ay sabihin niyang hindi.

Pero taliwas ang nakita kong reaksyon sa mukha niya. Ngumisi pa siya saakin na ikinangitngit ng ngipin ko.

"Yes."

Mabilis na sumugod ako saaya nang marinig ang sinagot niya. Galit na galit na inambahan ko siya ng suntok na mabilis niyang nasangga. Napaatras siya ng ilag hakbang na ikinatingin niya saakin.

"Isa ka ba sakanila Kitheia?" Nanlalaki matang tanong niya na sinagot ko ng iling.

"I'm human France... Pero mas gustuhin kong maging isa sakanila, kesa maging isa sainyo."

Again, sumubok ako na atakihin siya. Ginamit ko ang isang kamao ko para suntukin siya na madali niya lang ulit masangga. Pero kasabay ng pagsangga nya sa suntok ko ay ang paggalaw ng paa ko patungo sa tagiliran niya.

Nagawa ko siyang tamaan dahilan para lumipad siya ng ilang layo mula saakin. Patakbo ko syang tinungo at mabilis na inapakan sa dibdib para hindi na siya makatayo pa.

Pagak siyang tumawa habang nananatiling nakahiga sa lupa.

"I did this for you. Tapos ito ang igaganti mo saakin?" Tila nanunumbat na sabi niya.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon