Tinungo namin ang daan pabalik sa mansyon niya. Nadaanan pa namin ang mga tao niya na nageensayo na. Hindi na katulad ng unang dating ko na ang ginagawa lang nila ay ang mga normal na ginagawa ng mga normal na tao.
Napayuko ako dahil doon. I'm ruining their everyday life... Dahil lang sa pagdating ko dito, nagbabadya na kaagad ang panganib sakanila.
"Ow..." Napaangal ako nang mabunggo ako sa likuran ni Deus na huminto pala sa paglalakad.
Kunot-noo akong napatingala sakanya na bahagyang nakalingon saakin.
"Bakit?" Nagtatakhang tanong ko. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
"Everything's gonna be fine..."
Napatango nalang ako sa sinabi niya. Ikatatlong beses na sa isang araw pa lang. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
Nang makapasok sa mansyon at makaakyat sa ikalawang palapag, ako na mismo ang bumitaw sa kamay nya na ikinatigil nya. Kunot ang noo niya nang humarap sya saakin pero tinuloy ko lang ang paghakbang ko.
"Mauna na ako... Sa kwarto ko." Mahinang sabi ko nang hindi siya nililingon.
Malapit na ako sa pinto ng kwarto ko nang maramdaman ko ang presensya niya na sumabay sa lakad ko. Napalingon naman ako sakanya na diretso lang ang tingin.
Napakibit-balikat ako bago tumigil sa tapat ng pintuan ko.
"Dito na ko Deus... Sleep well." Paalam ko bago pihitin pabukas ang pinto.
Wala akong narinig na sagot sakanya dahilan para tuluyan na akong pumasok sa kwarto. Bumuntong-hininga ako nang masara ko na ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko na hindi pangkaraniwan ang tibok. Napapadalas na ito...
Napapailing nalang ako habang naglalakad papunta sa kama ko. Pasalampak na nahiga ako doon at agad na isinubsob sa unan ang mukha ko.
"Ano ba to..." Napapadyak ako habang patuloy sa pagsubsob ng sarili ko sa unan.
"Talking to yourself?"
Mabilis na napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Deus sa mismong tenga ko. At hindi nga ako nagkamali dahil nandito nga siya sa loob ng kwarto ko.
Umayos sya ng tayo nang tuluyan na akong makaupo.
"A-anong ginagawa mo r-rito?" Utal na tanong ko habang hindi makatingin sakanya.
Narinig ko naman ang buntong-hininga niya.
"Are you still mad about the mark?"
Agad na umiling ako sa sinabi niya. Mark ba kamo? Eh halos malimutan ko na nga iyong bagay na iyon...
"Ayos nga lang sabi ako... Isa pa, bakit ka ba nandito?" Irita kong tanong sakanya.
Pero agad na nawala ang pagkairita ko at napalitan iyon ng kaba nang pasalampak din siyang humiga sa kama ko, katabi ko.
"T-teka lang!" Akma na akong tatayo nang mahigpit niyang nahuli ang bewang ko at mas lalo pa akong hinila papalapit sakanya na ikinahiga ko ulit.
"Deus, ano ba?" Halos pabulong nalang na tanong ko nang isang dangkal nalang ang layo ng mukha ko sa mukha niya.
He was just there. Staring at me. Ako naman itong parang tinuod sa pwesto ko at ni hindi man lang makalayo sakanya. As if naman na kaya ko rin sa higpit ng hawak niya sa bewang ko.
Pumikit siya dahilan para mapatitig ako sa payapa niyang mukha.
"Deus... Dun ka sa kwarto mo matulog." Mahinang bulong ko sakanya pero kinunutan niya lang ako ng noo.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
WerewolfSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop
