SPECIAL CHAPTER

18.7K 479 18
                                    

"Pwede ba! Umayos ka nga!"
"Maayos naman ako!"
"Aish! Lelang mo, maayos!"

Hindi ko maiwasang hindi magsalubong ang kilay sa singhalang naririnig ko sa likuran ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa dalawang yun sa likod ko.

"Ija, ngiti ka naman."

Agad na napabaling ang atensyon ko kay manang na siyang kasabay ko ngayon sa paglalakad. Napahigpit ang hawak ko sakanya bago bumuntong-hininga.

"Nas-stress ako manang... Hayst!" Mahinang bulong ko sakanya pero mukha namang narinig pa rin ng mga nasa tabi-tabi namin.

'Stressed daw ang Luna...'
'Ha? Bakit daw?'
'Baka buntis?'

Malapit na akong bumuga nang apoy sa nga bulungang naririnig ko. Bakit ba kasi ganito?! Pati pandinig ko tumalas na simula nung mas lalong tumingkad ang marka saakin ni Deus matapos yung... Yung ano... Ano... Nevermind.

Agad na naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko kaya mabilis na yumuko ako. Kahit naman alam kong may nakatakip sa mukha ko, hindi pa rin ako pwedeng pakampante. Nandyan lang sa tabi-tabi ang mga usisero't usisera.

"Aray!" Angal ko nang may bumangga saakin mula sa likod.

Hindi na ako nakapagpigil at nilingon ko na sila. Napatigil kami sa paglalakad ni Manang. Sinamaan ko kaagd ng tingin ang anim na taong nasa likod ko ngayon.

Lahat sila magkaka-pares.

"Sorry, Kit... Ito kasing si ano eh... Hehe." Agad na nag-peace sign saakin si Janelle nang makita ang salubong kong kilay. Nakaturo naman siya kay Cheous na siyang kapareha niya.

"Anong ako? Sila yon!" Pagtanggi niya naman at agad na tinuro ang dalawang magkapares pa sa likuran niya.

Agad na nakita ko ang pamumutla ng mukha ng apat. Halos sabay na nagtaas ng kamay ang dalawang kambal sa ere.

"Wala kaming kinalaman diyan! Kayo lang yan dyan na grabe kung maglampungan!" Sabi ni Kuya Sean na agad namang sinang-ayunan ni Kiya Seth.

Yup. Nakikilala ko na sila.

Napatingin naman ako sa mukha ng dalawang babae. Agad na naningkit ang mata ko nang makita ang pamumula ni Ria. Nang makitang nakatingin ako sakanya, mas lalo pa iyang pumula at pilit na yumuko.

Pero kahit anong gawin niya, hindi nakaiwas saakin ang namumula niya ring leeg. Isang pulang bilog na nangingibabaw sa pamumula ng mukha niya. Wala sa sariling napaturo ako don.

"Ano yan? Chikinini?" Usisa ko sakanya.

Nakita ko naman na agad siyang naaligaga. Ginamit niya ang kamay niya para takpan ang leeg niya.

"H-hindi ah!" Pagtanggi niya pa pero mabilis na tinawanan siya ni Nic.

"Ikaw ha! Patingin? Mukhang fresh pa ah!" Pagkantyaw niya pa sa babae na mukhang nainis.

Siya naman ngayon ang nagturo kay Nic. Specifically, nakaturo siya sa balikat niya. At doon, nakita ko ang halos papawala pa lang na pulang marka sakanya.

"Akala mo naman ikaw hindi nagkaroon!"

Mabilis din na tinakpan ni Nic ang balikat niya at nagsimula na silang magpasahan ng kaso. Hindi ko nalang maiwasang magpameywang.

Lumapit naman saakin si Janelle at marahang tumapat sa may tenga ko.

"Buti nalang yung sayo natakpan ng cream..."

Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Masama ko siyang tinignan kasabay mg pagalingawngaw ng malakas na tawa ni Cheous. Nakahawak pa siya sa tyan niya habang tumatawa.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon