KABANATA XXXI

16.9K 442 12
                                    

Luha?

Agad na sinapo ko ang mukha ko nang maramdamang may tubig nanamang lumalabas sa mga mata ko.

Bakit nanaman ako umiiyak?

Napabuntong-hininga ako bago pahirin ang mga luha ko. It's been what? Three days? Three days na akong nagising na umiiyak at three days na rin akong parang bagong silang na walang maalala maliban sa pagsasalita.

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na inaalala ang panaginip ko kagabi. It felt so real. Na para bang nangyari talaga saakin iyon.

Ang tanging nakatatak sa isip ko ay ang mga matang kulay abo na kumikislap sa dilim.

Agad na napailing ako para iwaksi ang mga naiisip ko. Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ang mahinang pagbukas non. Sumilip sa siwang ang mukha ng isang may katandaang babae.

"Gising ka na pala. Halikana't kakain na, ija."

Ija...

Biglang tumibok ang utaknko nang marinig ang salitang iyon. Bahagya pa akong napahawak sa sentido ko. At nang ibalik ko sakanya ang paningin ko, ibang mukha na ang nakita ko.

Napasiksik ako sa headboard nh kama nang isang mas may katandaang babae ang nakikita ko ngayon. Nakangiti siya saakin at abot iyon sa mga mata niya.

"Ayos ka lang ba?"

Napakurap-kurap ako nang muling magsalita si Mrs. Cruz. Sa muling pagtingin ko sakanya, nagbalik na ang normal niyang mukha. Marahan akong napatango.

"O-opo. Ayos lang po ako. Susunod din po ako sa ibaba."

Binigyan niya pa ako ng huling ngiti bago tuluyang umalis. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo ng kwarto.

Maliit lang ang espasyo nito pero malinis naman. Humarap ako sa salamin at naghilamos. Pagkatapos ay ilang segundo akong napatitig sa sarili ko.

"Sino ba ako?"

Mariin akong napapikit bago buntong-hiningang lumabas ng kwarto. Sumalubong agad saakin ang sala at sa isa pang pasukan ay yung hapag na. Nakita ko doon sina Mr and Mrs. Cruz na masayang nag-uusap.

"Good morning po." Bati ko pagkalapit na pagkalapit ko pa lang.

Bumaling saakin ang tingin nilang dalawa at sabay na ngumiti.

"Kain na." Napatango ako at agad na naupo sa tabi ni Mrs. Cruz.

Kinakamusta nila ako kung may naaalala na ba ako pero iling lang ang naisagot ko. Sila ang nakakita saakin nung nakaraang araw. Wala naman daw aksidente sa lugar kaya hindi rin nila alam kung bakit wala akong maalala...

"Gandang umaga."

Napaangat ang tingin ko sa isang taong nagsalita. Umupo siya sa upuang kaharap ko at nginitian ako nang makitang nakatingin ako sakanya. At ayan nanaman...

Bigla nanamang tumibok ang utak ko na nagpasakit sa ulo ko. Napapikit ako at sa muling pagmulat ko...

Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko na nakagawa ng malakas na ingay. Napatitig ako sa kaharap ko at ni hindi ko malunok ang kinakain ko.

"May problema ba?" Boses niya iyon pero iba ang nakikita ko...

Isang lalaking puti ang buhok na abot tenga ang ngiti ang nakikita ko ngayon. At hindi nakaligtas saakin ang mga mata niyang kulay abo...

"Ija, anong nangyari sayo?"

Napalingon ako kay Mrs. Cruz na katabi ko na may bahid ng pag-aalala sa mukha. Mabilis na ibinalik ko ang paningin sa kaharap ko at nagbalik na sa normal ang itsura niya.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon