"Kamusta ka na?" Panimula niya ng usapan namin na wala akong balak patagalin.
Pilit akong umiiwas ng tingin sa mga mata niya na kanina pa nakatingin saakin. Nate-tense kasi ako.
"Ano... Okay lang naman. Ikaw?" Mahinang sabi ko.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya bago ako sagutin.
"Ayos lang din naman ako. Ano nga palang trabaho mo?" Tanong niya pa ulit.
'Bakit ka ba tanong nang tanong?' Gusto ko yang sabihin sakanya pero kabastusan naman yon.
Narating namin ang hall kung saan gaganapin ang gathering. Binuksan niya ang pinto gamit ang isang kamay atsaka ako pinauna sa pagpasok.
"Thank you." Pasasalamat ko sa ginawa nya.
Tumabi siya saakin sa paglalakad atsaka muling nagtanong.
"So ano ngang work mo?" Tanong niya.
"Accountant. Pinursue ko ang course ko. Ikaw?" Pagbabalik ko ulit sa tanong niya.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya na ikinatitig ko sakanya.
Ang gwapo... Pero agad akong napaiwas ng tingin nang muli nanaman nya akong tignan.
"Baka hindi ka maniwala kung sasabihin ko." Natatawang sabi niya na agad ikinakunot ng noo ko.
"Bakit naman hindi?" Tanong ko pa ulit.
Now, I'm curious. Kung bakit ba naman kasi di niya nalang sabihin... Kahit sabihin nya pang pokpok sya, paniniwalaan ko...
Napailing nalang ako sa naisip ko. Hindi naman siguro. Imposible.
"Gusto mo talagang malaman?" Tanong niya atsaka ako hinarap.
Sinagot ko siya ng tango.
Halos mahigit ko naman ang hininga ko nang bigla niyang ilapit ang mukha niya saakin. Tumapat sa tenga ko ang bibig niya dahilan para maramdaman ko ang hininga niya na tumatama sa leeg ko.
"I'm a hunter... A werewolf hunter."
Unti-unting nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Lumayo na siya saakin na ikinatingin ko sakanya.
"Totoo?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"It's up to you kung maniniwala ka." Kibit-balikat niyang sabi atsaka ako inakay paupo sa isang table.
Hanggang ngayon, hindi ma-process ng utak ko ang sinabi nyang trabaho nya. Tinignan ko sya gamit ang nanliliit kong mga mata.
"We're living in 21st century... Werewolves?" Mahinang sabi ko sakanya nang makaupo ako. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid.
Narinig ko ang mahinang tawa niya nang makaupo siya sa tabi ko.
"Believe it or not... It's real. They're real." Sabi niya pa.
Nanahimik nalang ako sa upuan ko habang patuloy sa pag-iisip ng sinabi niya.
Ginu-good time yata ako nitong lalaking to...
Sa loob ng isang minuto, walang ni-isa man saamin ang nagtangkang basagin ang katahimikan. Maingay ang paligid pero nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Well, saakin ayos lang naman. Bakit ba kasi nandito pa sya?
Nabasag lang ang katahimikan nang dumating ang napakagaling kong kaibigan, kasama si James na crush niya.
"Hi! Nandito pala kayo!" Ngiting-ngiting sabi niya na kulang nalang ay abot na sa tenga nya.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Kung nakamamatay ang tingin, kanina pa sana siya nakahandusay sa sahig na talagang ikatutuwa ko.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Manusia SerigalaSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop