KABANATA XI

25.9K 810 57
                                    

"H-honey..." Hirap na sabi ni Trish.

Hindi ko naman napigilan lapitan silang dalawa. Agad akong napahawak sa braso ni Deus.

"T-tama na yan..." Kinakabahan kong sabi. Baka ako ang mapagbalingan nya pero bahala na.

Kahit masama ang ugali ng Trish na to, hindi pa rin tama na saktan ng lalaki ang babae. Lalo pa't may tinatawag silang 'mate' dito.

Nakita ko ang paghinga nya ng malalim pero nanatiling nakahawak sa leeg ni Trish ang kamay nya.

"Honey... Nasasaktan ako." Nagsusumamong wika ni Trish pero mukhang wala na talagang balak si Deus na bitawan sya.

Akma na ulit akong magsasalita nang biglang mag-iba ang mukha ni Trish. Mula sa papaiyak na babae, bigla nalang na sumilay ang isang ngisi sa labi nya.

Agad na nanlaki ang mata ko. Nabaliw na ata sya...

"Stay away Kitheia."

Agad na dumako ang paningin ko kay Deus na mariin pa ring nakatingin kay Trish. Nang marinig ko ang kakaibang tawa ni Trish ay doon na ko napahakbang papalayo sakanila.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina kasama sina Manang at Mari.

"Manang... Ano bang nangyayari?" Pabulong na tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa dalawa.

"Malalaman din natin mamaya." Tanging sagot nya.

Naging mabilis ang pangyayari at nakita ko nalang na nakawala na si Trish sa hawak sakanya ni Deus.

Parang bigla nalang syang nakalipat ng lugar nang hindi inaalis ni Deus ang kamay sa leeg nya.

Nakapaskil pa rin sa labi nya ang isang ngisi habang inaayos ang suot nyang damit.

"Sayang naman..." Panimulang sabi nya.

Agad akong napatingin sakanya. May nag-iba sa kilos nya at kahit sa pananalita...

Dumapo ang paningin nya saakin at isang nakakalokong tingin ang ibinigay.

"Nakalimutan kong tao ka nga pala... Hindi umeepekto sayo ang spell na ginawa ko. Oh well, sayang lang at malapit na sana kaming mag-isa ng Alpha, kaso lang ay sinira mo." Sabi nya.

May halong inis sa boses nya pero nanatili ang ngisi sa labi nya.

Agad akong napakapit nang mahigpit kay manang. Umisang hakbang sya palapit saakin pero isang tao ang humarang sakanya.

Si Deus.

"Stay away." Sabi nya sa maawtoridad na boses.

Narinig ko nanaman ang nakakarinding halakhak ni Trish.

"Honey... Alam mo na ata ang totoo. Ano pang gagawin ko dito?" Sabi nya. Lumapit pa sya kay Deus at akmang hahawakan ito sa mukha nang mariing hawakan ni Deus ang kamay nya.

Humagikgik pa sya bago sumeryoso.

"Babalik ako." Tinapunan nya ako ng isang tingin. "At ikaw ang babalikan ko."

And in an instant, bigla nalang syang nawala na parang bula.

Naiwan kami sa loob ng silid na tahimik at wala na halos ang may gustong gumalaw. Nabasag lang iyon nang magsalita si Deus.

"Tell the guards to never let her enter again."

Agad na tumalima sina Manang sa sinabi nya. Ako naman ay hindi alam ang gagawin ko. Kung susunod ba ako kina manang, o mananatili dito dahil nandito pa sya.

Narinig ko ang mahinang buntong-hininga nya bago sya naglakad papuntang kama ko.

"I'm so stupid." Rinig ko pang bulong nya.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon