Hindi ako pinatulog ng mga salita niya sa buong gabi.
Alalang-alala ko pa ang eksaktong mga salitang binitawan niya. Na baka nga raw nagkamali lang sya na wala sa bokabularyo niya ang salitang 'love'. Na baka raw meron naman talaga.
Naalala ko pa kung paano ko nalunok ang dila ko nung mga sandaling iyon na nauwi nalang sa pagbabago ko ng usapan.
Pinunta ko sa sugat niya ang atensyon ko atsaka siya tinanong kung pwede ba iyong gamutin. Then he said yes. Mabilis lang na nilinisan ko ang sugat niya bago iyon lagyan ng bandaid.
Siguro ay mga tatlong bandaid ang ginamit ko sa mukha niya. But still, gwapo pa rin.
Pagkatapos non ay mabilis akong nagpaalam bago tumungo sa pintuan ng silid niya. Pero bago ko pa man maihakbang ang paa ko palabas sa pinto, natigilan na ako sa binitawan niyang tanong.
"You're not gonna leave me... Right?"
Argh!
Bakit? Bakit ganito?!
Malalim na ang gabi pero ito at dilat na dilat ang mata ko dahil sa huling tanong niya saakin. Sa sobrang kaba ko kasi ay hindi ko na siya nagawa pang sagutin at mabilis nalang na napatakbo papalayo sa kwarto niya.
Pero kung sasagutin ko nga ang tanong na iyon... Ano nga kayang magiging sagot ko?
Frustrated na napasabunot ako sa buhok ko bago napagpasyahang sumilip sa balkonahe para na rin makasagap ng sariwang hangin. Mukhang hindi na rin naman ako makakatulog pa.
Nakaupo lang ako sa dulo ng balkonahe habang nakalawit ang mga binti ko paibaba sa pagitan ng mga rehas ng railings.
Nakatitig lang ako sa liwanag ng buwan hanggang sa biglang may kumislap sa kung saan. Mabilis na napatingin ako sa pinanggalingan ng kislap na yon. Pinakatitigan ko iyon hanggang sa maging dalawa na ang kumikislap na bagay na lumitaw...
Ay hindi. Hindi siya bagay kundi... Isang pares ng mga matang kumikislap sa dilim.
Sa sandaling nagtama ang mga mata naming dalawa, unti-unti siyang naglakad papalabas ng dilim na kinaroroonan niya. Napaawang ang labi ko nang unti-unti kong makita ang puting balahibo niya na sumasayaw kasabay ng ihip ng hangin.
Naglakad siya hanggang sa mismong ibaba ng balkonahe na kinauupuan ko habang nakatingala saakin.
Sa pagkabigla, mabilis na binawi ko ang paa ko mula sa pagkakadantay sa dulo ng sahig at agad na naupo nang maayos. Huminga ako nang malalim bago siya muling silipin sa siwang ng mga rehas ng railings.
Nandoon pa rin siya habang nakatingala saakin. Umangil siya nang kaunti na para bang may gusto siyang sabihin na ikinakunot ng noo ko.
Isa pang angil at napaisip na ako.
"G-gusto mo kong b-bumaba?" Utal na tanong ko. Hindi alam kung bakit ko kinakausap ang puting lobo na nasa ibaba ng balkonahe.
Marahang tumango ang ulo niya.
"Oh... O-okay."
At nakita ko nalang ang sarili ko na nagsisimula nang bumalik sa kwarto ko bago hinanap ang pinto palabas. Tinahak ko ang mahabang pasilyo ng bahay hanggang sa mapadpad ako sa hagdanan.
Nagsimula akong bumaba habang pinupuno na ng mga what if's ang isip ko.
What if masama pala yon? What if bigla nalang akong lamunin ng buo ng lobong yon? Anong mangyayari saakin?
Napapailing nalang ako hanggang sa makita ko nalang na nasa harapan na ako ng pintuang minsan ko nang ginamit para tumakas. Ang pintuan papuntang hardin.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
WerewolfSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop