KABANATA XXXVI

19K 475 16
                                    

Janelle's POV

Habol hiningang napamulat ako nang magising sa isang bangungot. Agad na napatakip ako sa mukha ko at agad na nasapo ang basang-basa kong pisngi.

Ano yon?

Sariwang-sariwa sa isip ko ang panaginip ko. It was like, sinasaktan daw ako. Someone captured me at kasabwat niya si France. Tapos... Tapos narinig ko ang boses ni Kit. She was there, with me, pero hindi ko siya maaninag. It was only her voice. Nothing more.

Pagkatapos ay nagising na ako.

Mabilis na pinunasan ko ang mga luha ko bago muling iminulat ang mga mata ko. First thing I saw ay ang fluorescent light sa itaas ko. Agad na napakunot ang noo ko.

'Kailan pa ako nagka-fluorescent?'

Agad na napabalikwas ako ng bangon at mabilis na inilibot sa paligid ang paningin. Pero mabilis na napaungol ako nang sumakit ang katawan ko. Aside from wala ako sa kwarto ko, agad na napatingin ako sa mga braso ko at nakita ang mga papagaling na mga galos. Unti-unti ko ring sinilip ang katawan ko at nakita ang mga pasa na papawala pa lang.

Agad na napasinghap ako.

W-what are these?

Bumaling ang paningin ko sa pinto nang marahan iyong bumukas. Isang lalaki ang tahimik na pumasok doon habang nakayuko.

Nang tuluyan niyang masara Ang pinto, saka lang siya napatingin sa gawi ko. Mabilis na gumalaw ako at agad na nagsumiksik sa headboard ng kama.

"S-sino ka?" Pilit kong pinatapang ang boses ko pero nanatili lang siya sa pusisyon niya habang hindi makapaniwalang nakatingin saakin.

Agad na napangiwi ako nang kumirot nanaman ang halos buong katawan ko. And with that, nakita ko na mukha siyang nabalik sa sarili niya.

Mabilis na lumapit siya saakin at akma akong hahawakan nang mabilis akong makalayo sakanya. Ngumiti siya saakin pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"I-i'm glad you're awake..." Sabi niya na para bang matagal ko na siyang kilala.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya at pilit na inaalala kung nakilala ko na ba sya dati, pero hindi eh. I never met someone having those... Pair of gray eyes.

"Sino ka ba? Isa pa... Nasaan ako?" Tanong ko sakanya.

Humila siya ng isang upuan at ipinuwesto iyon sa gilid ng kama. Pinanatili ko ang distansya namin habang siya naman ay naupo doon.

"I'm Acheous, you can call me Cheous. And you're... In our house." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"W-why am I here?" Tanong ko pero agad na napailing ako. Agad na nilamon ako ng pagkabahala.

Kitheia. I have to find her!

Agad na sinubukan kong tumayo pero maagap ang lalaki na nagpakilalang Acheous. Mabilis siyang nakalapit sa pwesto ko at mabilis na pinahiga ako ulit. Sinubukan ko siyang hawiin pero napatigil ako sa uri ng pagtitig niya saakin.

"She's... She's also here." Sabi niya sa mahinang boses na ikinalunok ko.

"Y-you mean, Kitheia? Where is she? Gusto ko syang makita." Aligaga kong sabi at muling pinilit na tumayo pero napangiwi lang ako nang sumakit nanaman ang katawan ko.

Nakita ko ang pagsasalubong ng kilay niya pero agad na nawala iyon at napalitan ng seryoso niyang mukha. Muli niya akong inalalayan pahiga, at hindi ko alam kung bakit ko siya hinayaan sa pagkakataong ito.

"Please rest..." Halos nagsusumamong sabi niya na ikinatakha ko.

"Do I... Do I know you?" Tanong ko sakanya pero isang iling lang ang isinagot niya.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon