Wala sa sariling inabot ng kamay ko ang patalim na ilang dangkal lang ang layo saakin. Hindi ko alam kung papaano, pero nagawa kong bagalan ang pagpulot don.
"Hurry up!" Naiinip na bulyaw ni Trish.
Grabe ang hirap ko para lang matignan siya at agad siyang sinamaan ng tingin.
"B-bitch..."
Napatingin ako sa paru-paro at nakitang kakaunti nalang ang pula sa pakpak non. Kaya siguro nagagawa ko nang labanan ang katawan ko.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Trish sa sinabi ko. Mas sinipa niya pa palapit saakin ang patalim dahilan para tuluyan iyong maabot ng kanang kamay ko.
"Bye!" Nang-aasar na sabi niya habang hinihintay na itarak ko ang patalim sa sarili ko.
Nanginginig ang kamay ko habang inaangat ang patalim pagarap sa dibdib ko. Pero agad na sinubukan kong igalaw ang isa ko pang kamay para pigilan ang kamang kamay ko.
Halos sambahin ko ang kaliwang kamay ko nang magawa ko iyong kontrolin. Para akong tanga habang pilit na pinipigilan ng isa kong kamay ang isa ko pang kamay. Halos kapusin na rin ako sa hininga dahil sa pressure na kailangan kong ibigay sa kamay ko.
"Time is running!" Sigaw ni Trish.
Nakita ko ang akma niyang paglapit pero agad siyang napatigil nang humarang sa harap niya ang white witch. Mabilis na sinapak siya nito sa mukha na ikinaatras niya. Isang gigil na tili ang pinakawalan niya bago labanan ang witch.
Naging daan iyon para mapagtuunan ko ng pansin ang sarili kong kamay. At lalong lumalapit ang patalim saakin sa bawat pagdaan ng oras. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko.
Napaangat ako ng tingin nang may maramdamang hangin na dumaan sa gilid ko. Saka ko lang napansin na lumipad ang white witch sa hindi lalayuan. Nakasalampak na siya sa lupa pero pilit pa ring tumatayo. Agad na namataan ko si Trish na humihingal lang ng kaunti.
"Wala pa rin na?" Baling niya saakin. Agad na sinamaan ko siya ng tingin kahit na hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Humakbang siya papalapit at tumigil sa harap ko. "Here. Let me help you."
Bago pa ako makakontra, nahawakan na niya ang kanang kamay ko na may hawak na patalim. In one swift move, nagawa niyang itulak iyon paturok saakin. Pero bago pa man tuluyang tumusok saakin ang dulo non, naramdaman ko nang nakuha ko na ang buong kontrol sa katawan ko.
Nagawa kong itulak nang bahagya ang patalim dahilan para lumihis iyon ng direksyon. Imbes na sa eksaktong puso ko, nailihis ko iyon papunta sa bandang balikat ko. Napaawang ang labi ko nang mabilis na kumalat ang sakit sa buong katawan ko.
Narinig ko ang pag-angal ni Trish. At dahil sa hawak niya pa rin ang kanang kamay ko, nagawa niyang hilahin iyon kasabay ng pagtanggal ng pagkakatusok ng patalim saakin. Napapikit ako nang sumirit ang dugo mula sa balikat ko.
Isang tawa naman ang narinig ko mula sa bruhang kaharap ko.
"Ako na nga lang." Sabi niya at mabilis na nakuha mula sa kamay ko ang patalim.
Mabilis siyang umamba na sasaksakin ako pero bago pa man niya magawa iyon, agad na siyang nawala sa harap ko.
Isang humihingal na lalaki na ang ngayon ay nakatayo sa harap ko na para bang pinoprotektahan niya ako.
"A-asmodeus..." Banggit ko sa pangalan niya. Nilingon niya ako gamit ang pagod niyang mga mata pero nagawa niya pa ring ngumiti.
"Are you okay?" Habol hiningang tanong niya.
Hindi ko alam pero naiiyak ako. Sa itsura niya ngayon, mukhang anytime bibigay na siya. Samantalang ako, ngayon palang nakakabawi ng kontrol pero sugatan na.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Manusia SerigalaSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop