"Haaay!"
Mula sa pagkakabangon sa kama, itinaas ko ang dalawang braso ko sa ere para uminat. Panibagong araw, panibagong problema nanaman... Pero syempre, panibagong araw, panibagong pag-asa rin.
"Kit!" Nakarinig ako ng malalakas na katok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko dahilan para ikatingin ko roon.
Napakamot nalang ako sa ulo bago tuluyang tumayo at pagbuksan ang kumakatok.
"Good morning." Bati ko sakanya pero tuloy-tuloy lang siyang pumasok at ni hindi man lang ako binigyan ng tingin.
Napanguso nalang ako bago isinara ang pinto at sumunod sakanya na naabutan kong nakahiga na sa kama ko. Actually, rumerenta lang ako sa isang apartment. And this girl, who is my highschool-college best friend, also rented to stay with me.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya at naupo sa upuan sa tabi ng kama ko.
Gumilid siya ng higa at humarap saakin.
"Alam mo ba---"
"Hindi ko alam." Pagputol ko sa sinasabi niya.
Nakatanggap ako ng matalim na tingin na syang ikinatawa ko.
"Sorry na... So ano?" Pigil-tawang sabi ko.
Inirapan niya pa ako na ikinatawa ko bago niya itinuloy ang sinasabi niya.
"Nakatanggap ako ng letter from school." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Ano raw sabi?" Tanong ko.
Naglabas siya ng isang puting envelope mula sa bulsa niya at iniabot iyon saakin.
"Ito yung nakapangalan sayo. Kinuha ko na rin." Sabi niya.
Agad ko naman iyon tinanggap at mabilis na binuksan. After reading the content, napatingin ako sakanya.
"An alumni?" Tanong ko.
Tumango-tango siya atsaka ngumiti.
"Yup! So ano? Game?"
Napaisip ako. Wala naman akong masyadong kaibigan sa school dati... Thankful nga ako at nakilala ko tong si Janelle. Dahil kung hindi, malamang sa malamang naging campus loner ako.
"Huy!" Agaw niya sa pansin ko na saglit na lumipad.
"Ano... Wag nalang kaya? Wala naman akong masyadong kakilala. Ikaw yung maraming kaibigan dati." Sagot ko habang nag-iisip.
Inirapan niya nanaman ako bago naupo.
"Alam mo, napaka-kj mo. Dati pa yon, iba na ngayon. Isa pa, makikikain lang naman tayo dun." Sabi niya na ikinatawa ko.
"Yuck! Ang baboy mo talaga..."
"Excuse me, seksing baboy." Sabi niya at nagpose pa.
Napahawak nalang ako sa isang unan saka iyon pabirong inihampas sakanya.
"Umalis ka na nga dito! Kinikilabutan ako sayo!" Pabiro ring sabi ko at tinulak-tulak siya paalis sa kama.
Padabog naman siyang tumayo atsaka tinungo ang pinto. Pero bago pa siya lumabas, nilingon niya pa ulit ako.
"Pupunta tayo. Wala nang pero-pero." Atsaka niya pabagsak na isinara ang pinto.
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Pero sige na nga, at least once in my life, maranasan ko namang makihalubilo.
* * *
Ilang araw pa ang lumipas bago sumapit ang araw ng gathering. It was scheduled at 6 pm sa isang sikat na hotel sa lugar namin.

BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
WerewolfSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop