KABANATA XIII

25.2K 694 18
                                    

Napahakbang ang nanlalambot kong paa patalikod pero agad akong napigilan ni Deus.

Napatingin ako sakanya na ngayon ay diretso lang ang tingin sa loob. Hinila nya ako papalapit sakanya dahilan para bumangga ako sa braso nya.

"S-sa labas nalang ako... Please." Mahinang bulong ko gamit ang nanginginig kong boses.

I was taken aback when I felt his hands in mine. Napatitig ako sa magkahawak na naming kamay ngayon.

"Stay."

Humakbang sya paharap dahilan para mapasunod ako. Mariin akong napapikit nang muli ko nanamang nakita ang mga babae.

"A visitor?" Tanong ng isang lalaki. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang isang nakangising lalaki sa harap namin.

"We came here to buy a slave for our son." Seryosong sabi ni Deus na ikinatingin ko sakanya.

Son?

"You've came to the right place!" Sabi ng lalaki na mas lumawak ang ngisi.

Inalalayan nya kami papunta sa harap ng mga babae na syang ikinapikit ko ulit. Hindi ko sila magawang tignan...

"Is your wife okay?" Rinig ko pang muling tanong ng lalaki.

"She is."

Wala na akong iba pang narinig at panay lang ang hakbang ko sa tuwing hahakbang si Deus.

"How much will it cost if I buy all of them?" Muling pagsasalita ni Deus na ikinamulat ko ng mata.

Ano?

Namutawi ang malakas na halakhak sa buong silid at saka ko lang napansin na may iba pa palang mga tao dito na nakisabay sa tawa.

"We only sell one girl at a time mister." Sagot ng lalaki.

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Deus na hindi naman umangal. Ngayon lang...

"Then I'll get this one." Sabi nya sabay turo sa isang babae na mukhang bata pa. Napatingin muli ako sa lalaki na nahuli ko ring nakatingin saakin.

Agad sumilay ang ngisi nya nang magtama ang paningin naming dalawa. Agad akong umiwas nang bigla akong kilabutan.

"Okay." Sabi nya. May tinawag syang kung sino at iyon ang kumausap kay Deus tungkol sa halaga ng babae.

500 thousand ang narinig ko na halaga non.

"Please come back tomorrow to get your item."

Item? Item nila kung ituring tong mga babae? Napalunok ako dahil doon.

Unti-unti nang nabubuhay ang galit ko sa mga taong ganito. Wala silang awa. Mga halang ang kaluluwa. Mga walang kwentang tao na naninira ng buhay ng iba---

Napatigil ako sa pangingitngit nang biglang pisilin ni Deus ang kamay ko. Napatingin ako sakanya na abala sa pagsign ng kung ano.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Nagsimula na syang humakbang palabas na sinunod ko lang. Sa huling pagkakataon, muling nagtagpo ang paningin namin ng lalaki na nginisian lang ulit ako.

Tuluyan kaming nakalabas ng silid na iyon na akala ko ay hindi ko na magagawa. Pero kahit nakalabas na kami, hindi pa rin binibitiwan ni Deus ang kamay ko na nanlalamig pa rin.

"We'll stay here for awhile." Sabi nya habang humahakbang pataas ng hagdan.

Napatango ako kahit hindi nya naman makikita dahil nakatalikod sya saakin. Nanatili akong nakayuko hanggang sa tuluyan na kaming makataas.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon