KABANATA XXVII

20.4K 500 19
                                    

Mabibilis ang hakbang na tinungo namin ang daan papunta sa likod ng bahay nya. Agad na namataan ko ang pinto na kanina lang ay pinasukan ko.

"You sure you wanna go?" Siguro ay ikasampung beses na tanong saakin ni Deus.

"Oo." Maiksing sagot ko bago napahigpit ang hawak sa kamay niya.

I need to save them. Ako ang may kasalanan sa pagkawala ni Jane, at hindi naman siguro nawawala si Manang kung hindi kami nagliwaliw na dalawa ni Deus kagabi.

Isa pa... Iniisip jo si France. Kung ano ang gagawin niya sa pack nina Deus lalo pa't alam ko na may alam na siya na mga lobo sila.

Lumilipad na ang utak ko sa kung saan man nang biglang magsalita si Deus sa tabi ko. Nasa mismong tapat na kami ng pinto nang pihitin niya ako paharap sakanya.

"I'll let you go... But for one condition." Seryosong sabi niya.

Hindi makapaniwalang napatingin naman ako sakanya.

"Ano? Deus, kailangan tayo nina manang at Jane tapos may kundisyon ka pa?" Tanong ko habang nakasalubong ang kilay.

Nakita ko naman na napaiwas siya ng tingin pero nanatili ang hawak niya saakin.

"Do you want to go or not?" Mas may diing sabi niya.

Napaawang ang labi ko dahil don. I can't believe him. Napaismid ako bago humalukipkip sa harapan niya.

"Okay fine. Anong kundisyon ba?" Pagpayag ko para matapos na to.

"Bring my mark."

"Ha?"

Anong mark?

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang idikit niya ang katawan niya saakin. Bumigat din ang paghinga ko nang maramdaman ko ang pagpalibit ng isang braso niya sa bewang ko. Sunod ay naramdaman ko ang paghawi niya sa buhok ko papunta sa kabilang direksyon.

"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong lalo na nang mas ilapit niya pa ang mukha niya sa leeg ko na nakabalandra na ngayon.

"Marking what's mine."

Napaawang ulit ang labi ko pero this time, dahil na sa sakit. Naramdaman kong may bumaon sa leeg ko at sigurado akong ngipin niya iyon.

Sinubukan ko pa siyang itulak papalayo pero humigpit lang ang kapit niya saakin.

"S-stop it!" Malakas na sambit ko.

Ilang saglit pa at naramdaman ko na ang marahan niyang pagtanggal ng pagkakabaon ng ngipin niya saakin. Ang akala ko ay tapos na, pero di pa pala.

I felt something sticky... Isang mamasa-masang malambot na bagay na dumampi sa balat ko na kinagatan niya. At huli na nang malaman ko na dila niya iyon.

"I'm sorry..."

Mabilis na napalayo ako sakanya nang lumuwag ang kapit niya saakin. Agad na hinanap ng kamay ko ang spot na kinagatan niya, pero wala namang kahit na ano. Kahit ang pain, unti-unti na ring nawawala.

Kunot-noo akong napatingin sakanya.

"Ano bang ginawa mo?" Tanong ko pero iniwas niya lang ulit ang tingin niya saakin.

Walang imik na binuksan niya ang pinto at nanguna na sa paglabas. Naiwan ako dito sa pwesto ko habang sapo-sapo pa rin ang leeg ko.

Kinagat niya ba talaga ako? Sa oras na to? Napailing ako bago napasunod sakanya papalabas para agad lang din na mapatigil.

Sa labas ng bahay, tanaw ko ang sementadong kalsada na tungo sa village ng pack niya. Lakad-takbo ang ginawa ko para makapunta sa loob non.

Napaawang ang labi ko nang makita nang malapitan ang mga nasasakupan ni Deus na nakalinya sa labas ng kanya-kanya nilang bahay. Mukhang mga sundalo.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon