KABANATA XXX

17K 446 23
                                    

Nang magmulat ako, nakita ko ang sarili ko na nakaluhod habang may mga kadenang nakakabit saakin. Agad na inakyat ako ng kaba nang magsimulang mag-ingay ang paligid ko.

Narinig ko nanaman ang mga hiyawan ng mga lalaking mukhang mga hayok sa laman. Napatingin ako sa tabi ko at agad na nanlaki ang mata ko nang makita si Michael Jackson sa tabi ko.

Ito mismo iyon. Ang mismong nangyari nung araw na iyon. Hinaplos niya ang buhok ko pababa sa mukha ko.

Agad na iniwas ko ang mukha ko at agad na ipinalibot ang paningin sa paligid.

'Nasaan ka... Deus...'

Napatigil ako nang may sumigaw ng 100. Boses niya mismo iyon. Napatutok ang paningin ko sa madilim na bahagi ng silid.

Agad na nabuhayan ako ng loob. Pero agad na nawala iyon nang isang paa ang humakbang palabas sa dilim... Na nakasuot ng mataas na takong.

Mabilis na nawala ang lahat ng tao sa paligid na ikinalinga ko. Pati si Michael Jackson. Agad na nanginig ako nang makitang ako nalang ang nandito kasama ang babae.

Nang ibalik ko ang paningin ko sa babae ay tuluyan na siyang nakalabas sa dilim. Agad na nanlaki qng mata ko nang makita ang mukha niya.

"Trish!"

Namutawi ang tawa niya sa isip ko at sa isang iglap ay nasa harap ko na siya. Mahigpit na nakahawak sa leeg ko.

"Surprise! Miss this memory?" Nang-uuyam na sabi niya.

Pilit akong tumingala para makakuha ng hangin habang mas humihigpit naman ang hawak niya sa leeg ko.

"Kung alam ko lang na ikaw ang mate ng Alpha... Edi sana hindi na kita pinasama sa mga kinuhang babae."

Kahit hirap sa paghinga, nagawa kong ibuka ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"M-may kinalaman ka r-ron?"

Muli siyang tumawa bago ako seryosong tignan sa mga mata.

"Ako mismo ang gumawa non. Kaya nga nilabas ko si Jane diba? Ang problema lang... Kaibigan ka niya. Ikaw mismo ang may kasalanan kung bakit ko siya kinailangang dukutin."

"P-pakawalan no sila ni m-manang!" Nagmamatapag kong sagot kahit na ramdam ko na ilang segundo nalang ay tuluyan nang hindi ako makakahinga.

"Sure! Pero kapag natapos ko na ang pakay ko sayo!"

Huminga kaagad ako nang malalim nang magawa kong buksan ang mga mata ko.

Panaginip... Isang masamang panaginip!

Sinubukan kong igalaw ang kamay ko para sana hilutin ang sentido ko nang maramdaman ko na nakatali iyon. Napatingala ako at nakita ang kamay ko na nakakadena sa tuktok ng ulo ko.

Agad na inakyat ako ng takot at kaba. Mabilis na inilibot ko ang paningin sa paligid. Unang dumapo ang paningin ko sa isang taong nakaupo sa upuan na nakalagay sa sentro ng kwarto.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon