"L-luna?" Nagtatakhang tanong ko sakanya.
I heard the same word yesterday. Mula sa babaeng witch na kausap ni Deus.
"You're my Luna Kitheia... My beloved Luna."
As soon as he said those words, naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya sa labi ko
Nanlalaki matang nanatili akong nakatingin sakanya na ngayon ay nakapikit. Tumagal ng siguro ay tatlong segundo ang halik na iyon bago sya lumayo saakin.
He caressed my cheeks using his warm hand.
"Excuse me Alpha."
Natigil ang moment naming dalawa nang biglang may pumasok sa loob ng silid. Yung lalaki na sumundo saamin sa sasakyan kagabi.
Nakita ko na hila-hila nya sa braso ang walang malay na lalaki kanina.
"Yes?" Tanong ni Deus at binitawan na ang pisngi ko.
Napatitig nalang ako sakanya habang kausap nya ang lalaki.
Luna... Even though I don't know the meaning of it, pakiramdam ko ay mahalaga iyon para sakanya. Mahalaga ako para sakanya. Napahawak ako sa labi ko.
Bigla ko namang naisip ang mate ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko nagtataksil ako sakanya...
Pero paano ko ba sasabihin kay Deus na hahanapin ko ang mate ko? Nabili na nya ako. I should be with him all my life. Pero ang puso ko nanganganib na mamatay anytime dahil sa mate ko...
'Sana hindi na to sumakit hanggang sa mahanap ko sya.'
Napaangat lang ako ng tingin nang tawagin ako ni Deus.
"Ha?" Wala sa sariling sambit ko.
"Let's finish this mission so we can enjoy the rest of the day." Sabi nya.
At halos napanganga pa ako nang makita ang pagsilay ng ngiti sa labi nya. Napahigpit ang hawak ko sa dibdib ko nang biglang bumilis ang tibok non.
Anong meron sa araw na to? Una hinalikan nya ako... Ngayon naman nginitian?
"Kitheia."
"I-ito na!" Mabilis akong bumangon at sumunod sakanya sa paglabas ng kwarto na iyon.
"They are at the top floor. Waiting for Mr. Ramos to arrive which is now impossible because he's unconscious." Salita ng lalaki habang hatak-hatak nang walang kahirap-hirap ang lalaki.
Wala namang sinabi si Deus na ikinatahimik ko nalang din. Sumakay kami sa elevator at agad na pinindot ng lalaki ang top floor.
Bigla nanaman akong inakyat ng kaba. But then, naramdaman ko nanaman ang paghawak ni Deus sa kamay ko. At nakita kong napansin iyon ng lalaki.
Nakita ko ang panlalaki sa mata nya habang nakatingin saakin. Binalingan nya ng tingin si Deus.
"I-is she your..."
"Yes."
Humarap ulit saakin yung lalaki at bahagyang niyukuan. Nangunot naman ang noo ko sa inaasta nya.
"Luna..."
Ayan nanaman. Pakiramdam ko ang laki-laki ng role ko as Luna na yan. Ano ba kasi ang ibig-sabihin non?
Natigil lang ang pag-uusap namin nang magbukas na ang pinto ng elevator.
Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang sobrang dami ng tao na nandirito sa itaas.
Lahat sila ay puro mga lalaki na mukhang naiinip na. At nang humakbang kami palabas, agad na dumapo saamin ang paningin nilang lahat. Lalong-lalo na sa lalaking hatak-hatak namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/216690299-288-k824933.jpg)
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Lupi mannariSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop