KABANATA XII

27.1K 744 28
                                    

Bumalik si Deus sa upuan nya na syang sinundan ko lang ng tingin. Nang mag-angat sya ng mukha, agad akong nagbaba ng ulo.

Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang posisyon ko sa lugar na to. Pero, ano nga ba talagang dapat na ginagawa ko dito?

Ibinuka ko ang labi ko para magsalita, pero naisara ko lang ulit yon. Muli kong ibinuka ang labi ko para subukang magtanong pero para namang nalunok ko ang dila ko.

"What is it?" Rinig kong tanong nya.

Napalunok ako ng laway bago naglakas loob na magtanong.

"A-ano bang dapat gawin ko dito? I mean, maid ba ako o---"

"Wait a sec."

Naiwan sa ere ang mga salita ko nang biglang tumunog ang telepono nya. Mabilis nya iyong dinukot sa bulsa na syang ikinatikom ko ng bibig.

Panirang tawag. Nahirapan akong sambitin ang tanong na iyon tapos mapuputol lang.

"Hello?" Sagot nya sa telepono.

Nilibang ko nalang ang sarili ko para hindi mapansin ang pinag-uusapan nila. Ayokong masabihan na nakikinig sa usapan ng may usapan.

Agad na sumagi saakin ang phone ko. Kung sana lang ay binalikan ko ang phone ko nung panahong iyon... Hayts.

"Okay."

Napalik ang atensyon ko kay Deus nang makitang ibinaba na nya ang tawag. Tumayo sya na syang ikinatingala ko sakanya.

"Pack your things." Sabi nya.

Agad na nangunot ang noo ko pero maya-maya lang ay napangiti na ako.

"B-bakit? Paalisin mo na ba ako dito? Maraming salamat---"

"No."

Agad na bumagsak ang balikat ko sa sinabi nya.

Eh bakit?

"You'll come with me. Now move."

Agad akong napatayo nang balingan nya ako ng nakamamatay na seryosong tingin. Bahagya akong yumuko sakanya bago lumabas ng opisina.

Ano ba kasing meron? Sana pala nakinig nalang ako sa usapan nila sa telepono... Umasa pa tuloy ako.

Isa pa... May mga gamit ba ako?

Tumaas ako sa second floor kung saan ang kwarto na bagong bigay lang saakin. Sa ibaba kasi ang opisina nya na sobrang laki. Sa ibaba din yung kwarto namin dati ni manang.

Ang sosyal nga eh at napadpad ako sa second floor.

Nang makapasok ako sa kwarto, unang-una akong tumungo sa malaking cabinet. At nang buksan ko iyon, nagulat ako nang makitang puno iyon ng mga damit.

"Wow... Kanino kaya tong mga to?" Bulong ko sa sarili.

Oh well, wala naman akong gamit. Hihiram nalang ako ng kakaunti dito. Mas matatakot ako pag nagalit si Deus kesa sa may-ari nitong damit na to.

Pero agad akong napakuha ng isang undies. Agad ko iyong siniyasat. Mukha namang bago...

Napadako rin ang tingin ko sa isang black na backpack na nasa loob din ng cabinet. Agad akong napangiti. Saktong-sakto.

Kinuha ko iyon atsaka nilagyan ng tatlong pares ng damit at undies. Bahala na si batman na sabihan yung may-ari, pero mukha namang mga bago to eh. Safe.

Natigil lang ako sa pag-aayos nang biglang may kumatok sa pinto. Agad na isinara ko ang zipper ng bag atsaka iyon isinukbit sa balikat ko.

Binuksan ko ang pinto at isang lalaking nakaitim ang bumungad saakin.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon