KABANATA XIX

24.1K 711 26
                                    

W-what?

Napaisang hakbang ako patalikod nang biglang manlambot ang tuhod ko.

I-is this just a coincidence? Na ang taong nakabili saakin ay ang mismong mate ko?

Should I be happy?

"Kitheia..." Napatingin ako kay Deus na ngayon ay makikita mo na ang paga-alala sa mukha.

Napalunok muna ako bago ko ipilit ang isang ngiti sa labi ko.

"A-ayos lang ako..." Mahinang sabi ko bago yumuko sakanya. "Excuse me."

Mabibilis ang hakbang na tumaas ako sa kwarto ko at doon nagkulong. I made sure na naka-lock ang pinto.

Napaupo ako sa kama ko habang iniisip ang lahat.

Werewolves, witches, mate tapos Luna... Ang gulo na ng buhay ko simula nung araw na yon. Napabuntong-hininga nalang ako bago mapataas ang tingin.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid hanggang sa namataan ko ang bintana ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na malaki pala ang bintana... Na mas mukhang isang sliding door.

Agad na napatayo ako mula sa pagkakaupo at sinilip ang labas. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang malawak na balcony. Mangha kong binuksan ang sliding door nga na inakala kong bintana lang.

Sinalubong ako ng preskong hangin na ikinapikit ko. Humakbang pa ako patungo sa may railings at doon tumayo. I inhaled the fresh air na sigurado namang provided by the forest. It's relaxing...

"Kitheia."

Napapiksi ako nang biglang may magsalita sa likod ko. Mabilis akong lumingon para lang makita si Deus na nakatayo sa entrada ng balkonahe.

Sa hindi malamang dahilan, agad na kumabog nang mabilis ang puso ko.

"Ha?" Wala sa sariling sambit ko. Teka, paano sya nakapasok? Ni-lock ko ang pinto!

Nakita ko ang paghakbang nya na talagang ikinanigas ko na sa kinatatayuan ko.

Wake up kit! Ano bang nangyayari sayo?! Nalaman mo lang na mate mo sya nagkakaganito ka na! Sigaw ko sa sarili ko.

Nakita ko nalang na kaharap ko na si Deus na matamang nakatingin sa mukha ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at naghanap ng palusot para makaiwas sakanya.

"N-naiihi ako."

Napapikit ako sa lumabas na salita sa labi ko. Sa dami nh pwedeng sabihin, bakit yun pa!

"Teka, magsi-cr lang ako---"

"Wait."

Napatigil ako sa akmang paghakbang nang humarang sya sa daraanan ko. Napalunok ako bago sinubukan ulit na lampasan sya, pero mabilis na magarang nya ulit ang daanan.

"Let's talk, Kitheia." Sabi nya sa isang malumanay na tinig.

"Pero naiihi na talaga ak---"

Naputol ang sinasabi ko nang mariin nya akong hawakan sa magkabilang balikat ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang yumuko nalang.

"Let's talk and make things clear." Sabi nya na ikinabuntong-hininga ko nalang.

"Okay, sige." Mahinang sabi ko.

Binitawan nya na ako sa balikat atsaka ako nilampasan. Kita mo to? Nilalampasan lang ako.

Napapihit nalang ako paharap sa direksyong tinungo nya at sinundan sya na ngayon ay nasa kabilang railings na.

Tahimik akong tumayo sa tabi nya na ngayon ay tahimik lang din na nakatingin sa paligid. So ano? Nag-uusap na ba kami nito?

"Since the first time I laid my eyes on you... I already knew that there's something about you." Panimula nya na agad ikinatingin ko sakanya.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon