Sobrang tahimik ng paligid namin habang nakaupo kami dito sa pahabang lamesa at nakahain sa harap namin ang masasarap na pagkain.
Nakaupo ang daddy nina Deus sa pang-head of the family na upuan. Nakaupo naman si Deus sa kanang bahagi, kasunod ay ako. Mag-isa naman si Cheous sa bandang kaliwa.
"First of all, young lady. How did you find this place?" Basag ni Mr. Sebastian, na daddy nina Deus, sa katahimikan.
Napatingin naman ako kay Deus na mukhang wala namang pakealam.
"H-hindi ko po talaga n-nahap 'tong lugar..." Pabulong kong sagot habang hindi mapakali sa pwesto ko.
Nakita ko naman na umangat nang bahagya ang isa nyang kilay, pero nanatiling nakapaskil sa labi nya ang isang ngiti.
"Then how?"
Hindi pa man ako nakakasagot, nauna nang magsalita si Deus na ikinapapasalamat ko. Pakiramdam ko kasi anytime, bubuhol na ang dila ko sa sobrang kaba sa daddy nya.
"She's kidnapped, Dad. Sold to an auction and I bought her." Parang wala lang na sagot nya.
Napayuko naman ako habang kagat-kagat ang labi ko.
"Hmn. Interesting."
Agad na napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi ng daddy nya. Agad na nakita ko ang ngiti sa labi nya na mukhang mas totoo na kesa sa kanina.
Hindi ko na maramdaman ngayon ang malakas at nakakatakot na awra nya tulad kanina. Nandoon parin naman ang power, pero mas light na.
Nakangiti nya akong hinarap dahilan para mas malinawan ako sa perpekto nya ring pigura. Kung titignan, hindi sya mukhang tatay. Mukha lang din syang kapatid nina Deus.
"How's your stay here?" Tanong nya pa.
Napangiti na rin ako ng bahagya bago sya sagutin.
"Maayos naman po..." Sagot ko.
Tumango-tango lang sya bago ipinagpatuloy ang pagkain nya. Napatingin naman ako kay Cheous na ngayon ay walang kaimik-imik sa upuan nya.
Napatingin din ako kay Deus na naka-focus lang sa pagkain nya.
Napabalik ang tingin ko sa daddy nila na hindi nawawala ang ngiti sa labi. Medyo, creepy na ang dating non saakin...
Alpha King... Sa dalawang salitang yan pa lang, malalaman mo na kaagad na hindi sya pangkaraniwang lobo lang.
Base na rin sa mga chismis namin ni Mari nitong mga nakaraang araw tungkol sa mga hindi ko pa alam, nabanggit nya na sobrang makapangyarihan ng tatay ni Deus.
Sabi nya pa na sya ang naghahari sa lahat ng mga alpha sa buong mundo. Napaisip nalang ako kung papaano yon?
Like, hello? Nag-iisa lang sya at ang dami-daming bansa sa buong mundo. Malay ko ba kung gaano karami din ang mga pack ng lobo na nakatago lang din sa kung saan kagaya nitong pack na to na akala ko ay non-existent.
Tapos tinatawag pa na legendary pack itong pack nina Deus dahil sa lahi nila. Simula raw kasi sa kanuno-nunuan nila ay nasa dugo na nila ang pagiging parang pamilyang maharlika ng mga lobo. Na hindi naman nakapagtatakha dahil mukha naman talaga silang kagalang-galang.
Natigil lang ang pag-iisip ko mula sa usapan namin ni Mari nang tumayo na sa upuan nya si Mr. Sebastian. Nakangiti pa rin siya habang inaayos ang suot nyang damit.
"Oh well. As the alpha King, I can't stay in one place for such a long time. Let's call this a day." Sabi nya bago humakbang papalayo sa lamesa.
Tinapunan nya pa ako ng isang makahulugang tingin bago tuluyang mawala sa paningin namin.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Hombres LoboSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop