"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya habang hila-hila niya ako.
Hindi naman ako nagrereklamo, pero kasi pinagtitinginan na kami dito sa labas. Ito namang kasama ko, mukhang walang pake sa paligid nya.
"Somewhere."
At saan naman kaya ang somewhere na yan?
Nanatili nalang akong tahimik at hindi na nag-abala pang magtanong dahil panigurado hindi niya naman ako sasagutin nang maayos.
Habang tumatawid kami, agad na namataan ko ang isang stall ng street foods. Napatigil ako dahilan para tumigil din sya sa paglalakad.
"Ahm... Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko ulit.
"Just somewhere. Why?"
Napanguso ako sa sagot nya. Wala talagang sense...
"Pwede bang... Dun na lang Tayo?" Sabi ko sakanya. Sinundan ng tingin niya ang hintuturo ko.
"Where?" Kunot-nong tanong niya.
"Dun." Sabi ko ulit.
Hinatak ko na siya papunta sa stall. Bastusan na kung bastusan. Ayos lang naman siguro sakanya na ginaganito ko siya diba?
"What's this?" Tanong nya habang matamang tinitigan ang mga pagkain.
"That is tempura. This one is fishball. That one is lumpia Shanghai and that one is kwekwek." Sabi ko habang itinuturo ang mga pagkain na ibinebenta ni manong.
Mukha syang isang ignoranteng bata habang sinisiyasat ang mga pagkain dito. Mabuti nalang at wala nang masyadong tao dito.
"Good afternoon, ma'am sir." Bati ni manong. Agad ko syang sinuklian ng ngiti.
"Good afternoon din po."
"What's so good in the afternoon?" Tanong ni Deus na nakakunot ang noo.
Napangiwi nalang ako nang biglang mag-iba ang itsura ni manong. Mukhang natakot.
"Ahehe! Dalawang tempura at fishball po yung akin." Sabi ko bago balingan si Deus. "Sayo?"
"I don't eat that thing." Sagot niya sabay iwas ng tingin. Agad namang napataas ang kilay ko.
"Okay."
"Bente po ma'am." Sabi ni manong.
Agad akong kumapa sa bulsa ko. At saka ko lang naalala na...
Wala pala akong pera.
Nakangiti akong napatingin kay Deus na nakatingin din saakin.
"What?"
"Ahm... Pwede bang, ano... Pahiram ng pera? Hehe." Nahihiyang sabi ko.
Nakita ko pa ang pag-ikot ng kulay abo niyang mga mata. Dumukot sya ng wallet sa bulsa niya na agad kong ikinangiti.
Ang bait talaga ng amo ko.
Abang na abang ako hanggang sa bumunot na sya ng papel sa wallet. Inabot niya iyon saakin atsaka ibinulsa ang wallet niya.
Mabagal ko iyong kinuha habang hindi makapaniwalang nakatitig doon.
"May bente ka talaga?" Tanong ko sakanya.
"Yeah. Why?"
"Wala naman..."
Hinarap ko na si manong atsaka inabot ang bente pesos sakanya. Hindi lang ako makapaniwala. Ang gara ng wallet niya tapos bente ang laman? Akala ko pa naman isang libo ang dudukutin niya na parang sa mga nababasa kong mayayaman.
BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Loup-garouSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop