I woke up lying alone in the bed. Nilingon ko pa ang pwesto ni Deus kagabi at nakitang wala na sya duon.
Agad na nangunot ang noo ko. Nasaan naman kaya yon?
Naupo ako sa kama at sakto aaman ang pagbukas ng pinto sa banyo. Lumabas doon ang bagong ligong Deus.
Pero unlike sa iniisip nyong itsura nya, nakabihis na sya ng isang long sleeved black sweatshirt and a gray pants.
Nagtama muli ang paningin naming dalawa. Agad naman akong napapahid sa labi ko at sa mata sabay iwas ng tingin.
"Stay here. I'll finish my mission today." Sabi nya.
Napatango-tango ako sa sinabi nya. Much better kesa sumama ulit ako sakanya sa baba. Pero okay lang din naman basta hahawakan nya ulit ang kamay k---
Ano ba yan! Wala to, wala to...
Agad akong napahilamos sa mukha ko. Nababaliw na ako.
"Are you okay?"
Napatingin ulit ako kay Deus na ngayon ay matamang nakatingin saakin. Agad akong nagpaskil ng ngiti sa labi ko.
"Oo naman. Sige na, humayo ka na." Sabi ko.
Tumango lang sya bago tumingin sa pinto sabay labas. Agad na bumagsak ang balikat ko.
'Ano bang nangyayari saakin?'
Napailing nalang ako at agad akong bumangon. Kumuha lang ako ng isang pares ng undies bago dumiretso sa banyo at agad na naligo.
Hindi ko naman inintindi na wala akong dalang damit. As far as I know, ako lang naman mag-isa ngayon sa kwarto. Solong-solo ko to ngayon.
Pagkatapos maligo ay kumuha lang ako ng isang tuwalyang nakatupi sa may sink at ginamit iyon pantakip sa katawan ko.
Nang makalabas ako sa banyo, agad akong nanigas nang makitang may iba pa palang tao dito sa loob.
Agad na napahakbang ako patalikod kasabay ng panginginig ng tuhod ko. Isang nakakakilabot na ngisi ang ibinigay nya saakin.
"A-anong ginagawa m-mo dito?" Kinakabahan kong tanong.
Mas lalong lumawak ang ngisi nya kasabay ng pagtayo nya. Agad na napabalik ako sa loob ng banyo at bago pa man sya makalapit ay agad ko nang ibinagsak pasara ang pinto.
Mabilis ko iyong kinandado at agad akong napahawak sa dibdib ko na sobrang bilis ng takbo.
Bakit sya nandito? Bakit nandito ang lalaking namumuno sa bentahan ng mga babae?
Narinig ko pa ang pagkalabog nya sa pinto ng banyo na ikinapikit ko nang mariin.
"Open this door, gorgeous. Or I will break it for you." May panunuyam sa tono ng pananalita nya na agad kong ikinailing.
Kailangan kong tumakas. Yan agad ang unang pumasok sa isip ko.
Agad na lumibot ang paningin ko sa paligid na naghahanao ng magagamit na pampalo. Agad ko namang nakita ang isang metal stick na pinaglagyan ng shower curtain.
"Bibilang lang ako ng tatlo." Rinig ko pang sabi nya ulit sa labas ng pinto.
Agad akong lumapit sa kurtina at hinila iyon dahilan para sumama ang stick. Mabilis na tinanggal ko ang kurtina sa pagkakasuot doon.
"Isa..."
Napatingin ako sa nakasarang pinto bago mas bilisan ang kilos ko. Nang matanggal ko ang kurtina ay agad akong tumayo.
"Dalawa..."
Napalunok ako bago nanginginig na tumayo sa tabi ng pinto. Hinintay ko ang pagbilang nya ng tatlo habang nakabwelo ang pamalo ko.

BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Hombres LoboSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop