Katahimikan ang bumalot sa buong hapag at tanging ingay lang ng mga kubyertos ang maririnig.
Hindi ako makakain nang maayos dahil na rin sa ramdam kong masamang titig saakin ni Trish. Well, wala naman akong pake kung mamatay sya sa galit saakin. Pero hindi ko makayanan ang tensyon dito sa hapag lalo na at nandito si Deus.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko at nagmamadaling tumayo. Yumuko ako sa harapan nilang dalawa.
"Tapos na po ako..." Mahinang sabi ko. Wala akong narinig na sagot kaya nagsimula na akong iligpit ang pinag-kainan ko.
Nakita ko pa ang pagtirik ng mga mata ni Trish saakin. Hindi ko nalang siya binigyang pansin atsaka inilagay sa de-tulak na lalagyan ang pinag-kainan ko.
Mabilis pa kay flash na humakbang ako para lang makabalik sa kusina. At hindi naman ako nabigo.
Napahinga ako nang malalim pagkapasok na pagkapasok ko palang. At nagulat ako sa sumalubong saakin.
"B-bakit?" Utal kong tanong.
Paano ba naman kasi? They were all lined up sa harap ko na para bang talagang inaantay ang pagpasok ko.
Lahat sila ay nanliliit ang matang nakatingin saakin at tanging si Mari lang ang malawak na nakangiti.
"Mas boto talaga ako sayo kesa sa demonyitang babaeng iyon!" Nakangiti niyang sabi.
Ano bang tinutukoy niya?
Agad siyang sinuway nang kasama niya na ikinasimangot niya.
"Nagsasabi lang naman eh..."
"Mate siya ng Alpha. Galangin mo siya." Sabi ng babae sakanya bago ako balingan. "Ikaw naman. Ano ba talagang ganap mo dito?"
Agad akong napalunok sa tanong niya. Hindi niya ba alam na nabili lang ako ng 'Alpha' nila? Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba o itatago nalang yun.
Pero bago pa man ako makaisip ng maisasagot, bigla nalang nanuot sa ilong ko ang isang napakalakas na amoy.
Ang amoy ni Trish.
Mabilis akong lumingon at isang malutong na sampal ang bumungad saakin.
"How dare you eat with us." Galit niyang sabi.
Napahawak ako sa kanang pisngi ko bago siya harapin. Nabuhay muli ang inis ko sakanya na mukhang hindi ko na magagawang pigilan.
"Hindi ako ang may gusto nun." Madiin kong sagot sakanya.
Pagak siyang tumawa atsaka ako mapanuyam na tinignan.
"How pathetic. Baka nakakalimutan mo kung ano ka lang dito? Saling kitkat ka lang kaya alamin mo ang lugar mo."
Dinuro niya pa ako sa noo bago nagmartsa palabas ng kusina. Agad naman akong sinaluhan ni Mari.
"Ate! Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. Sinuklian ko siya ng isang ngiti.
"Ayos lang ako." Sagot ko.
Napahigpit ang hawak ko sa pisngi ko. Napaka-impokritang babae. Una, tinatanggi niyang kilala niya si Janelle. Ngayon naman, galit na galit siya dahil lang sa sinunod ko ang utos ni Deus.
"Pagpasensyahan mo na..." Sabi pa ulit ni Mari.
Pero this time, napailing na ako.
"Sumosobra na siya. Ang lakas na nga ng perfume niya na nakasusulasok naman ang amoy tapos ang pangit pa ng ugali niya." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Perfume? Nagpe-perfume ba sya? Wala naman akong maamoy." Nagtatakha niyang tanong na ikinatingin ko sakanya.

BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
Manusia SerigalaSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop