KABANATA XXXIII

17.2K 535 24
                                    

"What the hell?" Bulalas ng bibig ko nang makita ang ayos ko sa namulatan kong salamin.

Nakasuot ako ng puting bestida na umabot hanggang sa ibaba ng tuhod ko. Ang mukha ko naman ay napuno ng kolorete na paniguradong gawa ng babaeng nakatayo ngayon sa tabi ko.

"Anong ginawa mo saakin?!" Bulyaw ng sarili ko sakanya.

Wala pa rin ako sa control. Naramdaman ko nalang na nangangawit na ang braso ko na alam kong nakatali sa likod ko ngayon. Ganoon din ang paa ko na nakatali rin. Sinamaan ko ng tingin ang lahat ng taong nakikita ko ang repleksyon ngayon sa salamin.

"You freaks! Pagbabayaran niyo to!" Sigaw ko.

Nakita ko namng napailing ang isa sa kambal at lumapit saakin na may hawak na packing tape.

"Hindi nga ikaw yan..." Marahan niyang nilapat sa labi ko ang tape na marahas kong ikinapiglas.

"Hmn! Hmnp!'

"The eff! Sayang yung lipstick niya!" Rinig kong kontra nung isa sa mga babae pero inismiran lang siya nung kambal.

"Lipstick lang yan. Mamaya nalang natin tanggalin kapag nasa ceremony na."

Ceremony? Anong ceremony?

Napatingin din ako sa mga ayo nila. Lahat sila naka-formal attire na para bang may pupuntahang importante.

Napatingin naman ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. Bumungad si Cheous sa paningin ko na naka-suit and tie. Agad na sinamaan ko siya nang tingin at pinilit na murahin kahit na naiipon lang naman sa loob ng bibig ko ang mga salita.

Ngumisi siya pero may iba. Hindi siya nakangisi nang sobrang lawak na aabot sa mga mata niya. Ito, mukhang ngisi lang para ipakitang nang-aasar siya.

"Ready na pala ang bride."

Bride...

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang matandaan ang sinabi niya saakin kahapon. Ang tungkol sa wedding!

'No!'

Umalingawngaw sa ulo ko ang galit na galit na boses ni Trish. Mariin akong napapikit bago dahan-dahang humupa ang sakit na dulot ng sigaw niya sa isip ko.

Nang magmulat ako ay nakita ko na naglalakad na papalapit saakin si Cheous. Mabilis na binuhat niya ako at sunod ay tinignan niya ang mga kasama ko dito sa loob.

"Sumunod kayo sa garden." Tanging sinabi niya bago magsimulang humakbang papalabas ng kwarto.

Nagpumiglas ako sa hawak niya pero mukhang wala lang naman yun sakanya. Para siyang walang buhat sa itsura niya.

"Did you know... I just found my mate." Nakangiting sabi niya pero may bahid ng lungkot ang mga mata niya.

Tinignan niya ako gamit ang mga matang iyon pero agad din siyang nag-iwas. Natutuwa ako para sakanya, pero bakit siya malungkot?

Habang bumababa sa hagdan, nagtuloy sya sa pagsasalita.

"She's not yet awake pero alam kong malapit na... For now, si Deus na muna ang gigisingin natin." Sabi niya kasabay ng pagsilay ng kaunting ngiti sa labi niya.

Agad na nangunot ang noo ko na ikinatingin niya saakin. Nakita ko na saglit na dumausdos papuntang leeg ko ang mata niya bago ibalik yon sa mga mata ko.

"You're losing your mark..."

A-ano?

D-dahil ba to sa kundisyon ni Deus ngayon?

"Asmodeus' wolf is dying, therefore the bond is breaking. But there are two ways to bring back the bond. And we'll gonna do the easier one now." Nakangisi niyang sabi na ikinaisip ko.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon