Tumigil siya sa mismong harapan ko. Napatingala ako sakanya at sinalubong ako ng dalawang mata niya.
Now that he's near, I can clearly say that he have gray orbs. I was mesmerized by the sight of it not until I remember that I, now, was sold to him.
"Why do you smell like her..." Rinig kong bulong niya. "But your smell is much more stronger."
Tumigil na sa pag-agos ang luha ko pero hindi parin nawawala sa dibdib ko ang kaba. Just by merely looking at him... Masasabi ko nang isa siyang mapanganib na lalaki.
Napatigil lang ako sa pagtitig sakanya nang isang kamay ang marahas na humawak sa ulo ko para payukuin.
"How dare you look at him in his eyes." Isang mariing boses ang narinig ko. Agad na nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya.
Oo nga pala... He bought me. He's now my master and I, as his slave, don't have the rights to look at him directly in his eyes.
"It's ok." Narinig ko na sambit ng lalaki.
Nawala man ang hawak ng taong iyon sa ulo ko, hindi ko na muling sinubukan pa na mag-angat ng paningin. Nanatili nalang ang tingin ko sa dalawang pares ng paa sa harap ko na nakasuot lamang ng flip flops.
"Let's go." Nakita ko ang paghakbang ng mga paa niya paikot at papalayo sa kinatatayuan ko.
Napasunod lang ako nang maramdaman ang paghila ng kungsino sa collar na nasa leeg ko. Napatingin ako sa mga paa ko.
Kani-kanina lang, nakasuot pa ako ng isang magarang sapatos. Ngayon, nakayapak nalang ako.
Wala na rin sa ayos ang buhok ko na kanina ay nakatali paitaas. Kahit ang damit ko na galing pa kay Jane ay nadungisan na.
'Sana... Sana panaginip lang lahat ng ito. At kung panaginip man ito, sana magising na ako.'
Mariin kong ipinikit ang mata ko at saglit na nanalangin. Ngunit sa pagmulat ko, ang marurumi ko paring mga paa ang nasilayan ko.
Mapait akong napangiti.
Totoo ang lahat ng ito.
"Bilisan mo." Napabilis ang mga hakbang ko nang mas hilahin ng kung sino ang kadena ko.
Tumigil kami sa harapan ng isang magarang itim na kotse. Kahit hindi ko itaas ang paningin ko, alam ko na magara ito. Sa gulong palang makikita mo na...
Nakita ko ang pagsakay ng paa na nakasuot ng flip flops sa loob. Sunod ay naramdaman ko nanaman ang isang kamay sa tuktok ng ulo ko.
"Sakay." Sabi ng isang tao.
Isinakay niya ako sa sasakyan na gaya ng nakikita kong pagpapasakay ng mga pulis sa mga nahuhuli nilang kriminal.
Hindi nalang ako umimik at nagpatianod nalang sa nangyayari sa paligid. Nang maisara ang pinto sa tabi ko, agad akong nagsumiksik doon.
Hanggang ngayon ramdam ko parin ang kakaibang presensya ng taong nakabili saakin. Napatitig ako sa nanginginig kong kamay na nakaposas. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
Narinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan kasabay ng pagtakbo nito.
Namayani ang katahimikan sa buong oras ng pananatili ko sa loob ng sasakyan na ikinapapasalamat ko. Ilang oras ang lumipas bago tumigil ang sinasakyan namin.
May nagbukas ng pinto sa gilid ko at naramdaman ko ang paghila nito sa kadenang nakakabit saakin. Napababa ako sa sasakyan dahil doon.
"Clean her up. Send her in my office after." Iyon lang ang narinig ko at ang sunod ko nalang na naramdaman ay ang paghila nanaman ng kung sino sa kadena.

BINABASA MO ANG
Sold to an Alpha
VârcolaciSurrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twists but I hope you still enjoy this simple story of mine. @illol_pop