Chapter 3: Graduation

182 11 0
                                    

Medyo sensitive ang chapter na 'to. Ipagpaumanhin ninyo ang sinasabi ng mga characters tungkol sa dalawang religion. Iyon lang ang kanilang pananaw. It's not my intention na siraan ang ibang religion. FICTIONAL na lang po 'to, huhu. And nabasa niyo na sa warning sa prologue. Thank you and God bless

3: Graduation

NATAPOS NA ang buong maghapon naming klase. Lumabas na kami ng classroom ni Yari dahil parehas kaming hindi cleaners ngayong araw. Naupo kami ulit sa may Science Garden. Naging favorite place na namin ito.

"Pakopya nga ng lecture mo sa English. May hindi ako nasulat kanina. Nailipat nila kasi ng chart. Isang sentence lang ang 'di ko nasulat," sabi ni Yari kaya kinalkal ko sa bag ko ang notebook ko kaso hindi ko mahanap.

"Yari, naiwan ko sa classroom. Sana bukas pa!" nag-aalala kong tinig. "Sandali lang, a? Maiwan muna kita riyan. Kukunin ko lang sa classroom." Kumaripas na 'ko ng takbo.

Hinihingal ako nang makarating. Nakahinga ako nang maluwag dahil bukas pa ang pinto kung saan ko posibleng naiwan. Lumilipat kasi kami ng classroom every subject kaya iba-iba ang room namin pero meron sa advisory talaga.

Papasok na sana ako kaso may bigla akong narinig na usapan kaya gumilid na 'ko.

"I want Mariam Ann Mediana to be the first honors in graduation. I will give anything you'll ask for. Like electric fan in every classroom, or new building— I can give it."

W-What? Napa-English na rin ako.

"Ma'am, but it's against to the rule—" boses iyon ni Mrs. Oliver.

"Why, si Yarianna Roque ba ang first honors? Oh, come on. She's not even believer of God, k'wento sa 'kin ng anak ko. Gusto ninyo ang first honors— ang magsasalita sa harapan ng graduates— isang unbeliever? Think about it. Baka maka-impluwensiya pa siya sa iba na hindi kailangan na maniwala sa Diyos para maka-achieve ng anuman sa buhay. I know isa ka sa mga nag-se-serve sa simbahan malapit diyan— ikaw ay may binabasa ro'n sa harapan."

Seryoso 'to? Kung may cellphone lang ako kahit 'yong simple lang basta pang-recording para ma-record ko 'to kaso wala, e. Makikinig na lang ako.

"Siya nga po, Ma'am. She got an average grade of 96. And next to her is Mariam, got 95.5."

"Who's next with my daughter may I know?"

"Si Carmiah Reesa Garrett. Ang average niya ay 94.7."

Seryoso ba 'tong naririnig ko? I-a-annouce palang bukas ang final schedule ng graduation at list of honors e. Wala na tuloy thrill.

"Okay. Pagpalitin mo ng puwesto si Yarianna at Mariam. And you can ask na kahit ano."

"Excuse lang po. May naiwan ako sa table. Pasensiya na po dahil nakaabala ako sa inyo." Pumasok na 'ko sa classroom. Nakayukong tumatakbo at kinuha ko ang notebook. Mabilis kong nakita kasi iyon.

"May narinig kaya 'yon?" mataray na sabi ng Mama ni Mariam. Nakita ko itsura, medyo kahawig ni Mariam.

"Mukhang wala, Ma'am. Mukhang kararating niya."

"Sige po, salamat!" Tumakbo na 'ko para puntahan si Yarianna. Baka natagalan sa kahihintay.

"Bakit an'tagal mo?" kunwaring pagalit niyang tanong. "C-Carmiah?" Kinawayan niya ako sa mukha. Hindi pa rin nag-a-absorb sa 'kin ang mga pangyayari.

"Y-Yari..." Sinimulan ko nang i-kuwento ang narinig ko kaya ako nagtagal.

"As expected." Ang tinig niya ay parang hindi na nagulat.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon