6: Friends
NANAHIMIK SANDALI sina Phillip at Leigh sa sinabi ni Mariam. Tila i-na-absorb palang nila kung ano'ng nais niyang iparating. Napapailing na lang ako sa kanila. Hindi ko alam pero natuwa ako sa ginawa ni Mariam. Parehas ata kami sa pagtatanggol ng belief ng isang tao kung minamaliit na siya.
"Porque matalino ka lang, Mariam, ginaganito mo na kami," naiinis na sabi ni Leigh. "Tama naman kami, 'di ba? Ikaw lang ang ibang religion sa pamilya niyo! Lahat kayo, Catholic! Alam mo naman sa Catholic ay-"
"Stop. Stop this nonsense conversation." Umayos ng upo si Mariam. Mukhang na-badtrip na ata siya.
Tanghali na. Kumakain kami ni Mariam sa labas ng school. Maraming nagtitinda sa iba't ibang dako rito. Mura lang ang pagkain dito pero game naman si Mariam. Gusto ko na siya maging kaibigan. Pinagtanggol niya ako kanina.
"Ano ang ibig sabihin ni Leigh na ikaw lang naiiba ng religion sa family niyo?" tanong ko out of the blue.
Sumubo siya at ngumuya bago sumagot. "Oo. Sumasama ako sa ate kong pinsan. Against nga ang buong family ko sa ginagawa kong 'to kaya medyo malayo ang loob nila sa 'kin. Kaya simula no'n, they pressured me that I should made to the top," malungkot niyang kuwento. "Ni-invite ako ng ate ko sa religion ng family nila then I've known Him more than what I know about Him." Napatango na lang ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit kailangan lumipat pa ng religion para mas makilala ang Diyos nila.
Nang matapos kami kumain, dumeretso na agad kami sa classroom. Naabutan ko ang mga iilan ko palang na kaklase. May nag-uusap-usap, natutulog, nag-ru-rubics, at iba pang kanya-kanyang ginagawa.
Pumunta si Mariam sa ilang mga kaklase ko. Parang may pinag-uusapan sila pero hindi ko sila marinig. May gagawin ata sila o pinaplano. Hindi ko na inisip pa.
Pinahiram sa 'kin ni Lola ang cellphone niya. Nagulantang ako nang biglang mag-ring ito at sinagot ko.
"Yari!" tawag ko sa kanya. Lumabas ako ng classroom at magtsi-tsismiss pa ng mga kaganapan sa classroom kanina.
"Pangit pala ng ugali ng mga dati mong mga kaibigan, Miah. Buti na lang pala at nahiwalay ka sa kanila kundi kagaya mo na rin sila."
"Oo nga. Salamat at nakilala kita."
"Paalala ko sa 'yo. Huwag na huwag kang makikinig sa mga Kristiyano riyan- I mean basta about sa Diyos nila. I-li-limit ka lang nila ro'n, okay?"
"Ilang beses mo na sinabi 'yan sa 'kin, a," natatawa kong sambit.
"Kaibigan mo na si Mariam kasi. Tapos nalaman ko na Kristiyano siya. Mag-ingat ka sa kanya na baka ikaw ang ma-influence. Kahit magkalayo na tayo, hindi ako magsasawang paalalahanan ka."
"Salamat. Baka may gagawin ka na niyan? Alam ko wala ka pang pasok."
"Oo maya-maya. Sige, later na tayo mag-usap. Baka ikaw may klase na. Ingat ka sa mga Kristiyano- joke. Ingat ka. Bye."
"Bye." Natawa naman ako sa sinabi niya bago ko binaba ang cellphone.
"Si Yarianna 'yon, Carmiah?" Nagulat naman ako sa presence ni Mariam.
"Oo, siya." Napatingin na lang ako sa cellphone.
"Pakausap naman minsan," sambit niya.
"Sige, sasabihan ko siya na gusto mo siya makausap," sabi ko na lang.

BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...