9: Surprise
NANDITO NA 'ko rito sa classroom. Ni-annouced kanina na wala ang first subject teacher namin. Kaya sa palagay ko, naghahanda na ang mga kaklase ko para sa title na proposal kay Ma'am Desiree.
"Reesa, meeting tayo for research," tawag sa 'kin ni Rene. Tinawag na rin niya si Karyn at Mariam.
Naupo na kaming sama-sama. Magkatabi kami ni Rene at kaharap namin sina Mariam at Karyn. Nagbubulungan silang dalawa tapos nakatingin sa 'min ni Rene. Hindi ko alam kung ano'ng pinag-uusapan nila.
Bakit kasi nahuli ako ng upo kaya eto, katabi ko 'tong lalaking ito?
Tinignan ko si Rene; siya naman ay nakatuon sa dalawa at tinignan niya sila na parang nangungusap ang mga mata nila. Wala akong naiintindihan sa ginagawa nila.
"Sorry, boss Rene," natatawang sabi ni Mariam. "Eto at sasabihin na namin ang mga titles na naiisip."
Ah, titles lang siguro ang pinagbubulungan nila. Pero required tumingin sa 'min- nevermind.
Kumuha si Karyn ng papel at saktong may ballpen na hawak si Mariam. Sinulat nila roon ang title na i-po-propose namin kay Ma'am Desiree. May naiisip din naman ako kaya nagsulat din ako. Pagkatapos ko, binigay ko kay Rene. Apat na titles ang nakasulat bago nagsulat si Rene. Bali, anim na ang titles namin.
Sana may ma-approve sa lahat ng titles.
"Lord, we ask for Your guidance. Meron po nawa ma-approve rito sa mga title namin. Hindi lang sa 'min, kundi sa ibang grupo. Yes, we believe!" sambit ni Mariam habang nakapikit at nakadikit ang dalawang kamay.
"We believe! Amen!" sambit din nila Karyn at Rene. Napapansin ko na napaka-dependent nila sa Diyos. Ang tali-talino na nga ng mga 'to pero they're seeking guidance from that God.
Ngayon ko lang napansin na nag-iisang lalaki si Rene rito. Napapaisip ako kung may crush kaya siya sa 'ming tatlo. Lagi kami na niyan magkakasama dahil sa paper. Sino kaya ang crush niya? Ang na-i-imagine ko kasi ay may isang pelikula na mayroong isang lalaki na may kasa-kasamang tatlong babae. Carmiah, focus on titles not on that, please. Inaaway ko na naman ang sarili ko.
"Pupunta lang ako sa faculty ni Ma'am Desiree kung nandoon siya para makapagpa-approve na tayo. Babalik ako," nagpaalam si Rene sa 'min. Mabilis siyang naglalakad.
Tumatakbo siyang pabalik. "Naroon siya, mga kapatid. P'wede raw magpa-approve basta wala tayong klase. Tara na." Automatic na kaming napatayo sa sinabi ni Rene.
Kinakabahan ako habang naglalakad. Si Mariam ay hinawakan ako sa braso. "Huwag kang kabahan. Apat tayo rito, at kasama natin Siya."
"Ang Diyos?" tanong ko agad.
"Yes. He never leave nor forsake us." Naalala ko bigla si Lola dahil sinasabi niya sa 'kin din 'yan.
"Alam kong hindi ka pa naniniwala pero darating ang araw, ma-e-encounter mo ang pag-ibig Niya sa buhay mo." She smiled. Nag-da-doubt talaga ako kasi nag-aalangan ako kung totoo Siya o hindi. May part sa 'kin na gusto maniwala; may part na hindi dahil sa sinabi ni Yari at sa na-experience ko sa buhay.
Nakarating na kami sa harapan ng faculty namin. Nagtinginan muna kaming apat tila nagtatanong sa isa't isa kung papasok na bs sa faculty o hindi pa.
"Mga kapatid, tara na! Naniniwala ako sa inyo." Chi-ni-cheer kami ni Rene. "Kaya natin 'to. Mas mahirap pa kapag nag-defense na tayo sa harapan ng panelist. Isipin niyo, training lang 'to. Huwag paghahariin ang kaba. Sa una lang 'yan. Hindi nangangain ng tao si Ma'am," pagpapatawa niya sa huli.

BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
DuchoweCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...