31: Hello, Senior High!
RELAX KAMING nakaupo rito sa loob ng classroom at naglalaro kami ng UNO cards. Masaya kasing laruin lalo na kapag marami. Puro kami babaeng naglalaro ngayon. Wala na kaming klase kaya wala nang masiyadong ginagawa. Hinihintay na lang namin ang araw ng completion at makumpleto ang pirma sa clearance.
"Ay!" reklamo ko nang bagsakan ako ng +4 ni Mariam. Nasa kanan ko siya. Magtatapon na sana ako ng red card dahil iyon ang last color pero wala na 'kong magagawa. Wala naman akong pangotra sa binagsak niya kaya nagbunot na ako ng apat. Napakunot-noo ako dahil puro numbers ang nabunot ko; wala man lang kahit reverse.
"Ayos lang 'yan." Tinapik ako ni Karyn ang katabi ko sa kaliwa. Ang galing, nakita niya siguro cards ko. "Ano'ng kulay?" tanong niya dahil si Mariam ang huling nagbagsak ng card na napapalitan ang kulay.
"Green," mabilis na sagot niya. Nagbagsak na agad na green card si Karyn.
Naging masaya ang laro namin. Bagsakan ng +2, +4, reverse, change color at block. Nagtatawanan kami kapag may naiinis dahil sa pagdagdag ng cards or napalitan ang kulay at nakasira ng diskarte. May na-ba-bad trip kapag may nauuna na sabihin ang word na "uno" sa kaibigan namin na isa na lang matitira sa card niya. Kapag nangyari 'yon, binibigyan iyon ng apat na card pa.
"Ma'am, may nagsusugal!" kunwaring sumbong ni Leigh kasi wala naman si Ma'am Ortiza. Huminto ang boys sa paglalaro at tumingin sa pintuan dahil akala nila nandoon si Ma'am. Naglalaro ng bahara kasi ang boys.
Binatukan ni Phillip si Leigh. Napainda sa sakit si Leigh. "Pares-pares lang nilalaro namin tapos isusumbong mo kaming nagsusugal? May nakikita kang pera?" Tinuro ni Phillip ang mesang gamit nila sa paglalaro.
"Sus. Baraha pa rin 'yan," banat ni Leigh na nakatingin sa mesa nila.
"Bakit? Hindi ba cards din nilalaro niyo?" Nagtalo na naman ang love birds-- just kidding. Ang cute kasi nila mag-away.
Nagtilian kami dahil sa sagutan nila. "Darating ang araw, magmamahalan ang FernLip. Yie!" sambit ni Reynard at naki-yie na rin kami. Natawa ako sa name na ginawa ni Reynard. Pinagsamang pangalan nila 'yon, Fernleigh at Phillip.
"Hindi 'yon mangyayari!" sabay na sabi nila. Dahil doon, mas lalong lumakas ang mga boses namin sa pang-aasar.
"Baka ma-PhiLeigh ninyo ang isa't isa sa pag-aaway. Kalma rin kapag may time," pang-aasar pa sa kanila ni Reynard. Nag-loading ako sa joke niya. Pilay pala 'yon.
"Hay nako, korni! Maglaro na nga kayo riyan!" naiinis na sabi ni Leigh.
"Sus. Sino ba'ng nagsimula?"
Cute nila! Mas tumindi pa ang pang-aasar. Baka ma-develop sila niyan. Natawa ako sa naisip ko.
Ayos na nga ang relationship naming magkakaklase. Kailangan lang talaga magtiwala sa plano Niya. Unti-unti Niyang aayusin ang lahat. Magiging okay din ako.
"Maglaro na nga tayo." Bumalik na ang tingin ni Leigh sa cards. Siya na kasi talaga ang titira; hinihintay lang namin. Nagtuloy-tuloy na ulit ang paglalaro.
"Rene, mag-chessboard na nga lang tayo para walang masabi ang isa riyan." Napatingin ako sa kanila. Kumuha nga ang mga lalaki ng chessboard sa likod ng classroom, sa mga tambak na gamit do'n. Kinusilapan na lang ni Leigh si Phillip dahil sa sinabi niya.
"Mga kapatid sa pananampalataya," tawag sa amin ni Mariam. Napunta na ang attention namin sa kanya. "Magplano kaya tayo ng swimming after completion?" Marami kaming nag-agree sa panukala ni Mariam. Niligpit muna namin ang cards para magplano. Kumuha si Karyn ng papel at ballpen para maglista ng magiging suggestion ng bawat isa.

BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...