Chapter 18: Christmas

53 9 0
                                    

18: Christmas

BUMALIK KAMI sa loob ng k'warto ni Lola na parang walang nangyari. Nagpaalam lang si Tita na bibili lang ng makakain sa labas kaya kami muna ni Brighty ang nagbantay.

"An'liit ng mundo. Ka-church ng parents mo sina Tita," natatawa kong sabi kay Brighty habang nakatingin kay Lola. Natutulog lang talaga siya.

"True. But huwag mo ng isipin ang nangyari kanina. Ayos lang 'yon." Hinawakan niya ang balikat ko.

"Nagtataka siya tuloy tungkol sa 'yo. Ikaw lang ata ang hindi nagsisimba sa buong family niyo."

"It's not of her business," mataray niyang sabi.

Pinalo ko siya sa may balikat. "Tita ko pa rin 'yon. Respect ha."

"Wala naman siya rito."

"Kahit na."

May tinignan lang si Brighty sa cellphone niya. Dahil tsimosa ako, sumilip na rin ako. Nag-open siya ng messenger. Nakita ko ang mga pictures ng mga kaklase niya sa GC na nagkakasiyahan sa Christmas party. Kita sa mga pictures na sobra nilang saya. Napangiti lang si Brighty sa kanila.

"Uy, sorry." Nilagay ko ang braso ko sa may batok niya. "Sorry dahil-"

"I never regret na hindi ako nag-attend. Why would I attend if I don't believe on the reason why it's celebrated?" Napaisip ako sa sinabi niya.

Oh. Christ-mas party. Christ. She doesn't believe nga pala.

"Wow."

"I'm just happy for them. But at the same time, nakakaawa dahil hindi naman totoo ang dahilan ng celebration nila."

"Ay grabe," reaction ko na lang sa sinabi niya.

"Just telling what I believe," simpleng sambit niya.

"Carmiah, Yarianna, kain muna kayo." Dumating ang Tita ko na may dala-dalang ni-take out mula sa isang sikat na restaurant. Tinanggal ko na ang braso ko sa kanya. Inabutan kami ni Tita ng tag-isa.

Tinignan ko si Tita. Pinatong niya sa lap niya ang pagkain niya. Yumuko siya at pumikit. Sa tingin ko nag-pe-pray siya before eating. Pagkatapos no'n binuksan niya ang supot at kakain na.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo sa Tita mo? Kumain ka na," bulong sa 'kin ni Brighty at doon ko ginalaw ang pagkain ko.

Pagkatapos namin kumain, tinapon na namin sa basurahan ang pinagkainan namin. Si Tita ay nagpaalam na aalis dahil may gagawin lang daw sa church nila.

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano at nagpaalam na si Brighty. Alas-tres umuwi si Brighty. Nalungkot ako sa kuwento niya na magbabakasyon ang family niya sa province ng Lola niya. Magkakahiwalay na naman kami. Hindi bali, sandali lang naman siya mawawala. Sa pasukan ay tiyak na magkikita kami.

Nagising na lang ako sa mga boses na naririnig ko. Nandito na pala si Tita at may iba siyang mga kasama na ka-edad niya at mas bata ng kaunti sa kanya. Lima silang nasa tabi ng higaan ni Lola. Kumakanta sila ng isang maka-Diyos na kanta sigurado. Tumingin ako sa relo ko at alas-otso na pala. Bumangon na 'ko. Umupo ako sa sofa na hinigaan ko. Pinanood ko sila.

Nakataas ang kamay nila. Naka-focus sila sa kanilang kinakanta. Ninanamnam ang bawat lyrics. May nag-gi-guitar sa kanila.

🎶 Our God is an awesome God
He reigns from heaven above
With wisdom, power, and love
Our God is an awesome God

They are saying prayers for Lola habang nasa background ng kinakanta nila. Ginagamit nila ang pangalan na Jesus. Sa tingin ko, napaka-powerful ng name ata na 'yan sa paniniwala nila. They are asking sa mabilis na pag-heal ng Lola ko.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon