Chapter 28: Reconciliation Part 1

90 9 0
                                    

𝑇ℎ𝑒𝑟𝑒𝑓𝑜𝑟𝑒, 𝑐𝑜𝑛𝑓𝑒𝑠𝑠 𝑦𝑜𝑢𝑟 𝑠𝑖𝑛𝑠 𝑡𝑜 𝑜𝑛𝑒 𝑎𝑛𝑜𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑝𝑟𝑎𝑦 𝑓𝑜𝑟 𝑜𝑛𝑒 𝑎𝑛𝑜𝑡ℎ𝑒𝑟, 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑦𝑜𝑢 𝑚𝑎𝑦 𝑏𝑒 ℎ𝑒𝑎𝑙𝑒𝑑. 𝑇ℎ𝑒 𝑝𝑟𝑎𝑦𝑒𝑟 𝑜𝑓 𝑎 𝑟𝑖𝑔ℎ𝑡𝑒𝑜𝑢𝑠 𝑝𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛 ℎ𝑎𝑠 𝑔𝑟𝑒𝑎𝑡 𝑝𝑜𝑤𝑒𝑟 𝑎𝑠 𝑖𝑡 𝑖𝑠 𝑤𝑜𝑟𝑘𝑖𝑛𝑔.
~𝕵𝖆𝖒𝖊𝖘 5:16

28: Reconciliation

HINDI AKO makapaniwalang tumingin kay Karyn. Kilala ko siya-- hindi siya 'yong tipo na kagaya kong nalulugmok sa kasalanang ganito. Ang labo-- parang hindi talaga. "Oo, Carmiah, Mariam. I struggle that. Nakakahiya 'no?" Yumuko siya pagkasabi no'n. Tumulo na rin ang luha niya.

"N-Natural lang na makaramdam ng shame p-pero mga kapatid ko kayo kay Christ. Hindi ninyo kailangan ipasan nang nag-iisa ang kasalanan na 'yan! Nandito tayong magkakapatid sa Kanya to encourage and help each other." Niyakap kami ni Mariam pagkasabi no'n. Wala kaming ibang ginawa ni Karyn kundi umiyak nang umiyak. "Enemy deceived you by thinking that you're the only one na nag-sta-struggle niyan. Praise the Lord dahil pinili niyong hindi itago na lang sa dilim."

"Hindi ko na i-di-detail kasi nakakahiya. Pero ano ba ang paraan para matigil ang ganito?" sambit ko pagkatapos naming magyakap.

"I'm NBSB at wala ring naging ka-MU. Mukha akong pure but I'm not. Alam kong sin siya pero na-di-deceived pa rin ako. Hindi ko siya nagagawa ng days, weeks, months pero nababalikan ko. May mali e," confess ni Karyn. Ni-a-absorb ni Mariam ang sinasabi namin. Nakatingin siya sa 'min.

"Carmiah, nabasa mo na ba 'yong verses na binigay ko sa 'yo?" tanong ni Mariam pero pag-iling ang sagot ko.

Nakakahiya ka talaga...

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Hinanap ko ang verse na binigay niya then nagpunta ako sa Bible app. Hindi ko 'to ni-uninstall kahit na ako'y nanlamig nang tuluyan. "Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, "Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako'y nananatiling tapat. Exodo 34:6."

"Just ask God and I believe na tutulungan Niya kayo na matanggal ang habit na 'yan. He's merciful. Remember that He still loves you. Galit Siya sa kasalanan pero nais Niya na ang tao ay magsisi at tumalikod sa kasalanan." Nakatingin lang kami ni Karyn sa may semento habang nakikinig sa kanya. "Hindi kayo ang unang na-encounter ng ganitong kaso kaya hindi dapat kayo mahiya sa 'kin, a?" Medyo nakaramdam ako ng relief do'n pero nakakahiya pa rin. Iba kasi ang bagay na 'to sa tingin ng iba. Tahimik lang kami ni Karyn. Naghawak kami ng kamay. Nagtinginan sa isa't isa.

"Ako na lang magbabasa ng isa pang verse na binigay ko kay Carmiah no'n." Kinuha niya ang Bible niya at nagbasa ng verse. "Nagkasala ang bayang Israel! Sumira sila sa kasunduang ibinigay ko sa kanila sapagkat kumuha sila ng mga bagay na nakatakdang wasakin. Ninakaw nila ang mga iyon, itinago at isinama sa kanilang mga ari-arian. Iyan ang dahilan kaya sila natalo ng kanilang kaaway. Natakot sila sapagkat sila rin ay dapat lipulin. Hindi ko na kayo tutulungan hanggang hindi ninyo isinusuko ang bagay na ipinagbabawal ko sa inyo. Josue 7:11‭-‬12." Huminto siya sandali pagkatapos sabihin no'n.

Nakaramdam ako ng lungkot sa nangyari sa Israelites pero at the same, parang ako lang sila kasi hindi ko magawang isuko ang kasalanang itinago ko.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon