Chapter 20: Be An Example

75 9 0
                                    

20: Be An Example

INABALA KO na lang ang aking sarili sa pag-aaral. Sabay-sabay ang aming mga ginagawa ngayon pero kinakaya pa naman. Patuloy akong nag-cha-chat kay Tita Rashana kung nagising na ang Lola, pero patuloy na sagot niya ay hindi. Halos gabi-gabi na akong umiiyak. Sobrang miss na miss ko na si Lola Percy. Sa paggising ko sa araw-araw, umaasa ako na nandito siya ulit sa tabi ko, nayayakap ko, nilulutuan ako ng favorite kong ulam, at patuloy niyang pinapakita ang malaking pagmamahal niya.

May mga weeks na hindi ako nakakapunta sa hospital pero gumagawa talaga ako ng way at I find time para makapunta. Tatapusin ko lahat ng gagawin sa buong gabi ng Friday or ilalaan ko ang buong Sunday sa paggawa ng lahat ng assignments or projects.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa." Ito ang palaging sinasabi ni Tita through chats kapag tinatanong ko siya about kay Lola.

Tanghali na ngayon. Ang oras ay 12:30 pm nang tumingin ako sa relo ko. Hiniram ko ang laptop ni Mariam para i-edit ang paper ko. Mahirap talaga ang walang laptop tapos pinasok ko ang mataas na section. Individual na kasi ang research namin ngayon kaya kanyang-kanya na gawa pero may nagtutulungan naman kapag may questions regarding paano gawin ang ganitong part sa paper.

Nakagawa naman na ako sa phone kaso hindi ko maayos doon nang matino. Nagpapa-load ako para makapag-search. Inaayos ko na lang ang font at format dito sa laptop niya.

"Take your time," sambit ni Mariam habang nakatingin sa ginagawa ko. "Tapos naman na ako. Huwag kang magmadali."

"S-Salamat."

Habang gumagawa ako, busy si Mariam sa pagsusulat ng summary ng kada kabanata ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal sa malaking notebook niya. Nasa kalagitnaan palang ako riyan. Malayo pa ako sa katapusan. Handwritten pa kasi 'yon kaya matagal gawin. Si Karyn ay nakatutok din sa laptop gaya ko. Sina Rene at 'yong dalawa niya pang kasama ay inaayos ang mga paper na dala-dala nila. Sigurado ay mga pina-print na research nila 'yon. Buti pa sila tapos na.

Nag-focus na lang ulit ako sa ginagawa ko. Ilang beses din ako nagtatanong kay Mariam kung tama ba ang ginagawa ko.

"Just have confidence in what you do, okay?" sabi niya sa 'kin.

"Para sure lang," sagot ko sa kanya. "Gusto ko lang ng confirmation."

"Ikaw talaga. Alam mo 'yan. Matalino ka kaya. Naturo naman sa 'tin ni Ma'am Desiree lahat." I smiled at her. Tinuloy ko na itong gawin hanggang sa matapos ko na. Humiram ako ng flashdrive sa kanya para i-copy do'n ang i-pi-print.

"Salamat." Sinauli ko na sa kanya ang laptop. Maingat ko 'yong inaabot sa kanya. Ang bait niya talaga. "Kinakabahan ako next week."

Kinuha na niya mula sa 'kin ang laptop. "Natural lang 'yan pero galingan natin sa defense. Basta kabisado mo buong paper mo, no problem."

"Thank you ulit. Magpapa-print lang ako sa labas," pagpapaalam ko.

Ala-una na pala nang tignan ko ang oras sa relo. Wala naman ang teacher namin ngayong oras na 'to. T'saka last day ng submission ngayon ng paper. Major namin 'to kaya ito ang priority ko talaga.

"Sa February 19 ang deadline ng pag-submit ng paper then Tuesday, February 23 ang defense ninyo. Ang ibang magiging panelist ay manggagaling sa kaklase niyo." I remembered what Ma'am Desiree said.

"Samahan na kita," alok ni Mariam.

"H-Hindi na. Tapusin mo na 'yang Noli." Tinuro ko ang ginagawa niya.

"Sige na. Gusto ko maipahinga kamay ko." Hinayaan ko na siyang samahan ako.

Hindi ako makapupunta ngayong week na 'to kay Lola kasi after classes namin ngayong Biyernes ng hapon ay mag-sho-shooting pa kami kahit hindi kami artista at marami akong gagawin ngayong weekend. Pag-aaralan pa ang paper dahil sa defense. Gumawa na rin ako ng PowerPoint kanina para sa presentation ng research ko sa laptop ni Mariam.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon