Chapter 30: Close Friend

55 9 0
                                    

30: Close Friend

PAGKALIPAS NG isang buwan, medyo ramdam ko ang lungkot dahil ang buwan ng Marso ay nagsisimbolo na malapit na kaming magkahiwa-hiwalay. Nandito kami sa classroom ngayon at mag-aasikaso na ng clearance. Tapos na last last week ang aming 4th quarter test. Nag-ko-comply na lang kami ng requirements.

Naging payapa ang section namin nang mulang nagkaroon kami ng reconciliation. Minsan, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan pero agad naman naaayos 'yon. Mas naging close pa kami kaysa dati.

But I miss my close friend... Kumusta na kaya 'yon?

Hindi pa rin ako nag-a-attend ng Bible study dahil ayaw ng Lola ko. Pinapauwi ako ng maaga kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang sundin siya. Hindi iyon hadlang para 'di ako magpatuloy sa Lord. Binabalik ko unti-unti ang pagbabasa ng Bible at pag-journal. Nagpapaayos pa lang din ako sa Lord, lalo na ang prayer life ko. I believe that His Spirit helps us in our weaknesses. Si Mariam at Karyn ay lagi naman silang available if may mga tanong ako about faith and spiritual life. Unti-unti na rin ako na-he-heal mula sa wounds of past. I'm on the process. I'm moving forward by God's grace.

"Saan kayo mag-aaral ng Senior High?" Naputol na ang malalim kong iniisip dahil sa tanong ni Asherleen sa amin. Lunch time ngayon at kumakain kami.

"Ako, dito pa rin. Gusto ko sana mag-transfer sa Faith Academy e kasi nalaman ko na school 'yon for Christians pero ayaw ng parents ko e," malungkot na sambit ni Mariam. Pagkatapos sabihin iyon ay nagsubo ng pagkain.

Faith Academy? Woah. Pag-aari ni Auntie Faith 'yon, a.

"Doon ako mag-aaral," sambit ni Leigh. "Doon kami ni Phillip. Sinabi lang sa 'min ni Mama, e."

"Doon din ako sa FA (ef-ey)," sambit ni Rene. "Pero 'tong si Reynard, mag-sta-stay dito. Iyon kasi ang gusto ng parents niya." Inakbayan niya si Reynard.

"Okay lang 'yan, brad." Pinalo ni Rheuben nang ilang beses ang braso niya. "Magkaiba man tayo ng school, hindi mawawala ang pagkakaibigan natin 'no kaya huwag na sad," pinapagaan niya ang loob ni Reynard. "Sa FA rin ako."

"Kaming tatlo ay magkakaiba na ng school," sagot ni Asherleen sa tanong niya. "Si Levine sa Manila na mag-aaral, si Neftalie sa City na, at ako naman ay maiiwan dito. Dito ako mag-e-SHS."

"Gagawa ako ng GC natin para kahit magkakaiba tayo ng school, may communication pa rin," sabi ni Rene at sumang-ayon kami.

"Dito rin ako," sambit naman ni Karyn.

"Ako sa City din," si Philana ang nagsalita.

"Ako sa Manila," Davira answered.

"Ako sa FA ata," sagot ko. "Si Lola ang magpapasiya. Ang alam ko gusto niya ako pag-aralin sa FA... Noong grade 7 doon ako dapat pero tinanggihan ko." Hinahanda ko na nga ang sarili ko dahil mahihiwalay ako sa kanila.

"Iiwan mo kami?" malungkot na sabi ni Karyn. "Sabagay, ayos lang pala dahil magkaiba tayo ng strand niyan. Siya ring hindi tayo magkaklase."

"Huwag ka na magtampo. Magkikita pa rin tayo. Bibisita ako rito," pagkumbinse ko. Doon na kasi talaga ako pag-aaralin ni Lola  dahil kay Auntie Faith. Mahal ko si Lola; pagbibigyan ko ang gusto niya ngayon dahil sinalungat ko siya noon.

Matagal kami kumain nang mulang nagkaayos na dahil nagdadaldalan kami nang sabay-sabay na kumain sa classroom kapag lunch break. Lagi kaming may topic kada araw. Nangunguna sila lagi sa pag-uusapan.

"Oo nga naman. Distance will not break our friendship," sambit ni Mariam.

"Ano strand ninyo?" tanong ni Leigh at sumubo ng kanin. Nginuya niya sandali. "Ako kasi, ABM."

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon