Chapter 33: Fall

71 8 0
                                    

33: Fall

KASALUKUYANG KINOKOLEKTA ang aming papers dahil nag-quiz kami. "I'll give an assignment... To be pass on Monday. Choose your partner before I discuss your assignment," sabi ni Sir habang inaayos ang yellow papers na pinasa namin. Friday na ngayon.

Tumingin ako kay Leigh para tanungin kung p'wede siya maging partner, kaso partner na raw sila ni Cassiranne. Partner sina Elisha at Joshua, at ang kambal, Jona at Ella.

"Partner na lang tayo, Reesa?" alok sa 'kin ni Rene. Si Leigh at Rheuben ay nag-yie at binatukan ko. Buti na lang hindi ako nakita ni Sir. "Ang harsh naman," reaction ni Leigh. "Kinilig."

"Sama na lang ako sa inyo, brad. Forty-five tayo. May isang walang partner. Mauna na tayong magsabi," sambit ni Rheuben.

"Panira ka naman," bulong ni Leigh. Natawa si Rheuben.

"Sige," pagpayag ni Rene. Nagtaas si Rheuben; nag-request na tatlo kaming magkasama dahil forty-five kaming magkaklase. Pumayag naman si Sir.

Pagkatapos i-discuss ni Sir ang assignment, ni-dismiss na niya kami agad. Nagplano kami na sa Saturday gagawa, sa bahay nila Rene. Napag-usapan na rin namin kung ano'ng part ang gagawin.

"Yes! Ka-group natin si Cassiranne! May SSC tayong kasama na may background sa research," masayang sambit ni Elisha. Klase namin sa Practical Research at kaka-groupings lang. Hindi pinili ang kasama rito. Pito kada grupo. Nakabibigla talaga kasi apat o tatlo lang kami kasi no'n then nag-indivual pa.

Nagbabantay ang teacher namin. Pinagsama-sama kaming magkakagrupo para mapag-usapan ang topic.

"May SSC dito sa Faith Academy?" amazed kong tanong.

"Oo, isa si Cassie sa mga SSC. Kasi kaming regular sections dito, walang research subject. Sila advantage na," sagot ni Elisha sa 'kin. "Ngayon nga, may Practical Research na tayo."

"I-share ko lang 'to, a. SSC din kami nila Leigh, Rene, at Rheuben pero sa San Sebastian High School kami nag-JHS," kuwento ko. Ang galing talaga namin ni Elisha. Nakuha pa namin magkuwentuhan habang nag-se-search ng magiging title namin sina Rene, Cassie, at iba naming kasama. Ka-group ko na naman siya. Nasa ibang group sina Leigh at Rheuben.

"Woah?" gulat na sambit ni Elisha. "Doon ako nag-grade 7 to 9," kuwento niya na kinagulat ko. "Kaka-transfer ko lang dito last year."

"Buti naisipan mong mag-transfer dito? Ang ganda pala sa Academy na 'to." Nililibot ko ang paningin ko. T'saka ang saya kapag RWG subject.

"To be honest, napilitan lang ako dahil gusto ni Mama t'saka gusto ko magsimula ulit-- iba ang kaklase kaya kahit unbeliever ako noon, tumuloy pa rin akong pumasok dito."

"Noon? So this school ang naging way din para maging believer ka?"

Ngumiti siya at tila inaalala ang lahat. "Oo kasi they prayed for me. Hindi ako nagsisisi na lumipat ako rito dahil may mga bagay na nangyari sa loob ng Academy na 'to na hindi ko malilimutan." Huminto lang siya sandali. "May sinabi akong isang bagay na kapag mangyayari, maniniwala na ulit ako sa Kanya. Alam ko kasi na imposible mangyari 'yon... But nothing is impossible with God."

"Wow. Praise God. Pero alam mo, dito dapat ako noong Grade 7 pero tinanggihan ko," kuwento ko naman. "May purpose pala kahit ang pagtanggi ko kasi nakilala ko ang mga kaibigan ko na ni-lead ako sa Lord. Though, posible na meron din dito pero mag-iiba ang lahat kapag binago ko ang past."

"Yes, totoo 'yan. Ang essential pa rin ng nangyari sa past kahit na may nakakahiyang eksena roon. Pero hindi dapat tayo mabuhay o ma-control ng negatives ng past."

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon