1: Believer
INIHANDA KO na ang mga gamit ko upang pumasok sa school. Napansin ko ang kakulangan ko sa papel pero hihingi na lang ako sa mga kaklase ko mamaya. Baka magsawa na sila sa 'kin. Nako, huwag sana. Tinignan ko ang orasan namin, six-thirty ng umaga. Maaga-aga pa.
"Pasensiya ka na Carmiah apo ko, kung nagkukulang ka sa gamit."
"Ayos lang po 'yon," sagot ko habang nakatingin pa rin sa mga gamit.
"Iyan lang ang mapapamana ko sa 'yo, ang edukasyon. Kaya ikaw, mag-aral kang mabuti, a?" Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses na niyang sinabi ang linyang ito.
"Lola, ilang beses na ninyong sinabi iyan," natatawa kong sambit sa kanya.
"Basta, huwag kang magsasawang marinig iyan. Para sa ikabubuti mo rin ito sa hinaharap. Naniniwala ako na hindi masasayang ang sakripisyo ko sa 'yo," masayang sambit niya.
"Opo. Walang masasayang, Lola. Hindi ko sukat akalain na magtatapos na po ako ng elementarya ngayong school year po. Salamat talaga sa inyo!"
"Salamat pa rin sa Diyos na kahit iniwan ka ng ina mo sa 'kin, hindi Niya ako pinabayaan." Lumapit siya at niyakap ako.
"Lola." Kumalas na kami sa pagkayakap. Nilalagay ko na ang ilang libro sa bag ko habang siya'y tinatawag ko.
"Bakit apo?" Binigyan niya ako ng tingin.
"Naniniwala pa rin kayo sa Diyos?" seryoso kong tanong.
"Oo naman, apo," walang alinlangan niyang sagot. "Kahit ganoon ang nararanasan ko sa pamilyang iyon at pinaparanas sa 'kin ng buhay, hinding-hindi ko idadamay ang Diyos."
Sa totoo lang, hindi ko alam na naaapi siya. Nakita ko kasi sila minsan, at grabe kung sigawan si Lola.
"Sino ba kasi Siya? Bakit patuloy mo pong pinapaniwalaan? Tignan mo nga po, ang sasama ng taong naniniwala sa Kanya- siyempre maliban sa inyo ni Auntie Faith." Naalala ko bigla si Auntie. Mabait iyon sa 'min.
"Siya ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Siya'y makapangyarihan, mapagmahal, mahabagin, nakakaunawa, hindi madaling magalit, at iba pa. 'Yong alam mong kahit nag-iisa ka, hindi ka Niya iniwan? Ipapaliwanag ko talaga sa 'yo nang mabuti kapag handa ka ng makinig." Umupo siya at inihahanda ang gamit din niya pagpasok sa trabaho niya. 'Yong description niya sa Diyos ay ganoon pa rin gaya ng sinabi niya sa nakaraan.
"Ang totoong believer Niya kasi apo, hindi lang basta naniniwalang may Diyos, kundi sumusunod talaga sa Salita Niya." Napatango na lang ako kahit hindi ko siya naiintindihan. Tatanong-tanong pa kasi ako tapos hindi ko rin na-ge-gets.
"Hindi man lang ba kayo magagalit sa kanila?" Pagtukoy ko sa mapang-aping pamilya na kung saan siya nag-ta-trabaho.
"Hindi, apo. T'saka higit sa lahat, kamag-anak pa rin natin sila."
"Si Auntie Faith, buti pa 'yon. Kahit hindi natin kamag-anak, mabait sa 'tin. E 'yong sarili nating mga kamag-anak, inaapi pa tayo!" pag-drama ko sandali.
"May Diyos, apo. Siya na ang bahala sa kanila. T'saka nag-ta-trabaho ako para sa ikabubuhay natin at sa pag-aaral mo. Ayo'kong mag-end up ka ng gaya sa 'kin na hindi nakapag-aral. Inaapi ang mga hindi nakapagtatapos sa mundong ito, apo."
"Bakit hindi na lang ninyo rin ako pag-trabahuin habang nag-aaral?"
"Hangga't malakas pa 'ko, hindi ko hahayaan na magtrabaho ka habang nag-aaral. Alam ko kung gaano kahirap dahil ako mismo ay nakaranas no'n. Hindi ko ipaparanas sa 'yo 'yon, apo." Niyakap ko na lang siya dahil ang sweet-sweet niya.
Kumalas na 'ko sa pagyakap. "Lola, 6:45 na po. Alis na po ako." Ni-kiss ko na siya nang malutong at niyakap uli. Kinuha ko na ang bag ko.
"Ingat ka. Aral nang mabuti, apo ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/218540256-288-k338479.jpg)
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...