14: Gift
ANG BILIS lumipas ng buong grade 8. Tila hindi ako makapaniwala na tapos na ito. Naayos na ang revisions ng research paper namin na mula sa defense at na-fulfill na namin ang dapat gawin pa sa ibang subject kaya nakapirma na lahat ng teachers sa clearance namin. May pagkakataon na hindi ako nasusundo ni Yari dahil may practice or gagawin sila. Mukhang seryoso si Yari sa panliligaw sa 'kin. Madalas siyang naghihintay sa ilalim ng mangga na katapat lang ng classroom namin. Isang oras siya madalas naghihintay pero sa tingin ko hindi naman siya naiinip dahil nagbabasa ng kung anu-ano iyon habang naghihintay. Unti-unti naman kaming nagkaayos nila Mariam at Karyn pero hindi pa rin ako nag-jo-join sa kanila sa Bible study. Hindi pa rin ako nakakapag-stand ng belief. Nasa doubting pa rin ako, 50:50.
Recognition na namin ngayon. First honor si Mariam, second na si Rene, third ako, fourth si Karyn, fifth na si Leigh, sixth si Reynard, seventh si Rheuben, eight si Phillip, ninth si Philana na hindi ko pa nakakausap, at tenth sina Davira at Radlee na hindi ko pa rin nakakausap. Minsan ko lang nakaka-group ang mga 'yon kasi. Karamihan ng best sa mga subjects ay nakuha nila Mariam at Rene pero sa 'kin pa rin ang pagiging best in Mathematics.
"Pansin ko na favorite mo ang Mathematics. P'wede ko ba malaman kung bakit? Weakness ko talaga ang Math kasi," sabi ni Mariam. Kakasabit lang sa 'kin ng medal ko for being best in Mathematics kaya nagtatanong siya ng ganiyan.
"Ganito kasi," pagsisimula ko ng sasabihin. Example, (-5) + (10) = 5. Mas malaki 'yong number na positive kaysa negative. Even na negative ang sitwasyon natin, kung positive naman ang tingin natin sa buhay, mas makakalamang ang positivity sa buhay natin."
"Ay wow," manghang sabi niya.
"Another example naman. (-3) + (-12) = -15. Parehas na negative ang numbers. Negative na nga ang sitwasyon mo, negative ka pa, mas lalaki lang ang negativity."
"Ang galing niyan. Hate ko na ang Math pero sinabi mo 'to. Love it! Kaya ikaw rin, positive lang whatever will happen. Mas palamangin mo ang positive sa buhay mo," masayang sabi ni Mariam. "Ganiyan kasi ako. Hindi ko naman sinabi na hindi ako nagiging negative or nalulungkot pero mas pinipili ko lang na maging masaya na hindi peke. Nandiyan ang Diyos na may care sa 'tin. We can cast our anxieties in Him."
"Pero hindi mo pa ba naranasan na malunod sa kalungkutan?" I asked. Nag-a-award pa lang naman sila niyan sa ibang grade level kaya nagdaldalan kami sandali. Kasabay kasi namin ang Grade 7 at 9 sa recognition na ito. Nasa kaliwang side kaming mga SSC tapos after ng sections namin, 'yong ibang sections na kaya hindi kami makapag-usap ni Yari.
"Oo naman. Hindi naman sinabi ng Diyos na 'di natin mararanasan ang mga problema pero sinabi Niya, 'When you go through deep waters, I will be with you. When you go through rivers of difficulty, you will not drown.' Iyan ang pinanghahawakan ko. Kaya ko nga ni-se-share ang Gospel sa iba at sa 'yo dahil gusto ko ring maranasan ninyo ang buhay na naranasan ko at hindi ko nais na mapahamak kayo- hindi ko kayo na-wa-warning-an. Maniwala ka, may mga nawala akong kaibigan dahil sa pagsabi ko ng truth- iniwasan na nila ako. Feeling banal daw ako. Basta ang mahalaga, nasabi ko ang dapat nasabi. I respect their decision." Tumango na lang ako sa kanya bilang respond. Napapatingin din ako sa mga students pang iba na na-award-an.
Natapos na ang recognition. Nag-picture kaming tatlo nila Karyn. "Miah!" malakas na tawag sa 'kin ni Yari. Nagpaalam na ako agad kina Mariam.
"Congrats, Yari," bati ko sa kanya.
"Congrats din," masaya niyang bati naman sa 'kin.
Hinawakan ko ang mga medal niya. Nakalikha iyon ng ingay. "Nakuha mo na naman ba sa klase niyo ang lahat ng best?"
"As usual," sagot niya lang. "Buti rito allowed na mag-honor ang transferee."
"Oo naman. Fair lang ang school na 'to. Kung ano ang grade mo, 'yon na iyon. Walang transferee transferee dito," paliwanag ko. "I'm so proud of you!"

BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
EspiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...