15: October
TOTOO NGA na medyo mabigat ang taon na 'to. Maraming mga pinapaggawa na sabay-sabay tapos ni-ha-handle pa namin ang pressure, expectations, at mga sinasabi ng iba ukol sa 'min dahil sa pagiging SSC namin. Dalawang buwan na rin ang lumipas. Kahit mahirap basta susubukan kong mag-enjoy sa pag-aaral. Nandiyan kasi si Yari na lagi akong mi-ni-meet sa pag-uwi at sina Mariam na kasama ko sa classroom na nakawawala ng stress.
Mas naging challenging ngayon compared last year. May subjects kami na Research II at Consumer Chemistry. Inabot pa ng two months bago kami pinayagang mag-conduct dahil may iba kaming classmates na nag-iba ng title at dumaan pa ang bago nilang paper sa revisions kay Ma'am Desiree dahil hindi na sila nag-defense. Pinagpipili kasi kami ni Ma'am kung itutuloy namin ang paper namin noong Grade 8 o magbabago ng title. Siyempre kapag iba na ang title, back to start sa chapter 1-3.
Sa kasalukuyan, kami nina Rene, Mariam, at Karyn ay nakasakay sa bus para pumunta ng Manila to conduct our study sa research. Nabanggit ko sa kanila na wala akong pamasahe sa ganitong kalayong lugar na pupuntahan pero sabi nila, paghahatian nilang tatlo ang pamasahe ko. Mahal na mahal talaga ako ng mga 'to. I'm thankful na sila ang kasama ko. Nagpasabi ako na sila na lang ang pupunta pero hindi sila pumayag. Gusto nila akong kasama. Biological ang study kasi namin kaya kailangan ng mga tests pa na wala sa lugar namin.
Nakaupo kami sa likod ng bus. Si Karyn ang nasa may bintana, si Rene ang sunod, tapos si Mariam, at ako. Alas-kwatro media palang ng madaling araw. Kakasakay lang namin. Malamig ang aircon sa bus na talagang hihilain ang sinuman na matulog.
Pagkatapos ng dalawang oras, nagising ang diwa ko. Sinilip ko ang suot kong relo na binigay sa 'kin ni Yari last month. Mag-a-alas siete palang ng umaga. Pumikit lang ako ulit. Sabi nila tatlong oras daw ang byahe sa pupuntahan namin.
"After natin ma-conduct 'to, may mock defense tayo niyan kay Ma'am Desiree. Tapos maghahanda tayong lahat para sa October dahil lahat tayo ay lalaban sa Division Science Fair. Pero may mas nakakakaba riyan." Narinig ko ang boses ni Mariam. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya.
"Iyong individual proposal? Kaya mo 'yon. Talino mo kaya." Si Rene ang kausap niya. "T'saka huwag mo muna problemahin 'yon. Lagi lang talaga tayong humugot ng lakas sa Lord. Alam kong mataas ang expectations ng family mo sa 'yo pero lagi mong tatandaan na hindi ka defined kung anuman ang failure na makakamit mo. Kasama mo Siya sa laban."
"Salamat."
Nagkuwentuhan pa sila at nakatulog na naman ako.
Nagising ako ng may nangangalabit sa 'kin. "Gising na, Reesa!" Nagulantang ako ro'n.
Bumaba na kami sa bus at naglakad kami ng kaunti. Pupunta raw kami sa kamag-anak ni Rene rito sa Manila. May kotse sila at may magmamaneho sa 'min papunta sa pagdadalhan ng mga sample namin sa pag-te-test-an.
Natapos na namin ibigay ang mga samples at i-email na lang kami sa magiging results ng tests. Hinatid kami sa pinakaunang mall na nakita namin. Pumasok kami roon para kumain. Siyempre, sagot ko naman na 'tong pagkain ko. Nakakahiya sa kanila.
Nag-bonding na lang kami nang maghapon. Picture-picture, lakad, tingin-tingin ng mga naka-display- basta masaya kaming naglilibot. Pansamantala naming kinakalimutan lahat ng stress at pagod na nararanasan namin.
Ang saya nila kasama, pero iba pa rin talaga si Yari. Maya-maya ay nag-te-text o tumatawag siya para kamustahin ako rito, kung okay na ba ang pinunta namin dito sa Manila, at kung ano'ng ginagawa na namin ngayon. Ngayong araw ay siguradong hindi muna kami magkikita. Isang araw palang kaming hindi nagkita, miss ko na siya. Nasanay kasi ako na every may pasok, nagkikita kami. Nag-excuse lang kasi kami buong araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/218540256-288-k338479.jpg)
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
EspiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...